CHAPTER 56

812 18 1
                                    

Ilang minuto na kaming nakaupo pero hindi pa rin kami nagkikibuan. Ang awkward nito. Tumikhim ako.

"M-may sasabihin ka ba?" Nag angat siya ng tingin sa akin. Hidi ako palagay na nkaupo kami dito. Maybe we could find another place to talk? Tumingin ako sa paligid.

"You want us to go somewhere? Hindi kasi ako palagay dito." Napatingin ako sakanya. Tumango ako sa sinabi niya. Tumayo kami at pumunta sa garahe nila. Pinaalarma niya ang pulang pick up niya at pinagbuksan ako ng pintuan sa front seat. Wala na akong inaksayang panahon at agad nang pumasok sa loob.

Tahimik kami habang bumabyahe. I texted mom and others na kasama ko si Matthew at umalis kami sa mansion. I actually want to ask if Paulette knows that he looked after me pero hindi ko ginawa.

"Saglit lang tayo. Promise we'll go back to the party." Sabi niya without looking at me. His eyes focused on the road. Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagpark siya sa mataas na bahagi ng lugar. Wala masyadong tao dito at tanaw ko sa ibaba ang mga ilaw ng mabibilis na sasakyan. Naiwan ako saglit doon sa may kotse niya dahil bumili siya ng maiinom sa isang coffee shop. Pagkarating ay inabot niya sa akin ang isa.

"Thanks." I said to him. Nakasandal kami sa hood ng pick up niya. Hawak niya ang kape at nasa bulsa ang kabilang kamay. Medyo malamig ang simoy ng hangin at sakto ang inumin ni binili niya. Marahan akong humigop sa kape.

"Are you feeling cold?" Hindi ako nakasagot agad. Ganun pa man binuksan niya ang backseat ng sasakyan niya at kinuha ang jacket niya at ipinasuot sa akin. Sumandal din ako sa hood ng pick up niya. May space sa pagitan naming dalawa.

"So, what do you want us to talk about?" I asked gently. Tumingin ako sakanya at tumingin lang din siya sa akin. Hindi ko matagalan ang intensity sa mga mata niya kaya ako ang unang nagbawi ng tingin.

"What do you want to know?" Balik tanong niya sa akin. So he's serious about it. He will definitely tell me. Pero hindi ko alam ang itatanong ko. Parang biglang naurong ang dila ko.

"I don't know. You tell me." Mahinanh sagot ko. He exhaled silently. Itinikom ko ang bibig ko at hinintay ko na magsalita siya.

"You want to know about Brandi." It was a statement. Bahagya lang akong tumango aa sinabi niya. Parang kinakabahan ako na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko, na sa sobrang lakas, nakakatakot na marinig niya. Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa kawalan. I saw him swallowed hard bago siya nagsalita.

"She's my sister." Nanlaki agad ang mata ko. Napatayo ako ng deretso at halos mabitawan ko ang kape na hawak ko. He looked at me as if he is expecting na maggiging ganoon ang reaksyon ko. Sister? How could it be? Anak ba si Brandi sa labas? Her last name's Fischer kaya siguradong hindi siya anak ni Tito Mauritio. Its Tita Slyvia then, huh?

"H-how? P-paano n-nangyari?" Literally, I'm trembling. Hindi ako makapaniwala. All these years na kasama ko si Brandi, never kong nakitaan ng impormasyon tungkol doon. Maybe this is considered a disgrace to the Romero's kaya itinago.

"Magkapatid kami sa ina." I knew it. I'm right. Kay Tita Sylvia. All I know is that Brandi's father died when she was young but her mother is still on Italy. Her mother's alive. Yes! So it means..

"Tama ang iniisip mo." Napaangat ang tingin ko sa kay Matthew. Nilapag niya ang kape sa hood ng kanyang pick up. Tumayo ng deretso at humakbang ng isa palapit sa akin. Parang tinatantya ako.

"Matthew. Enlighten me, please." Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung paano nangyaring magkapatid sila ni Brandi sa ina. He reached for my arm at hinayaan ko siyang gawin iyon. Tinititigan ko lang siya. Namumula ang kanyang mga mata sa pinipigilang luha.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon