Chapter 2

187 20 2
                                    

Chapter 2

Kinabukasan, pumasok na ako sa trabaho. Nang biglang dumating si Eva mag-isa lang siya. Gaya nang napag-usapan namin kahapon tinupad niyang kitain ako sa trabaho. Sinabi ko na sakanya na hindi na dapat niya ako kitain. Nakakahiya. Pero nandito na siya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Matagal ka na ba dito?" inilibot ni Eva ang tingin sa loob ng store na pinagtatrabahuan ko.

Sa di malamang dahilan ay bigla akong nahiya. Napakamot ako ng ulo habang iniiscan ang mga pinamili niyang mga pagkain. Malapit nang maggabi at malapit na din sana akong magsara at huling customer ko na siya. Sa una ay parang hindi pa siya makapaniwala nang makita ako.

She didn't expect me to be working in this cheap store. Well, I can't blame her.

"Mag-iisang taon na ako dito. Part time lang sana ako pero dahil kailangan ko ng pera no choice kaya nagparegular nalang ako dito. Sayang din kasi malaki laki na din ang sahod ko dito."

Tumatango tango siya at pinag-ekis ang braso.

"Ikaw lang ba gumagawa ng lahat? Napansin ko kasi walang guard na nagbabantay , walang tiga linis at ikaw lang din ang nag-iisa dito. "

"Ah oo, umalis kasi yung guard at yung isa pang kasama ko naliliitan sila sa sweldo at hindi na nila kaya yung sama ng ugali ng amo ko"

We both laughed.

"Fighter ka din talaga eh noh?"

"Naman ako pa"pagyayabang ko pa.

Nang matapos kong maiscan lahat pinakita ko sa computer yung amount na babayaran niya.

"Bale nine hundred twenty three lahat" anunsyo ko.

"Cash ba? O card?"

"Cash nalang para madali kang matapos at tutulungan na kitang magsara dito."

"Haha. Wag na kaya ko naman atsaka matagal akong matapos sa paglilinis at pagsasara baka gabihin ka pa lalo sa pag-uwi at mapagalitan ka pa ng daddy mo"

Malungkot siyang tumango.

"Okay. Anyway... here " she handed me her money.

"Thank you."

"Balik ka kapag may kailangan ka" sabi ko nang malapit na siyang makalabas.

"Babalik talaga ako."

Nang matapos naman ako sa paglilinis saka ko lang dinampot ang bag ko at ang susi para isarado ang store. Sinigurado kong inilagay ko sa vault iyong perang nalikom ko ngayong araw at ipinakita pa iyon sa CCTV camera na nakakabit malapit sa may counter. Inirecord ko na din , isinulat ko sa maliit na notebook mahirap na at baka pagbintangan ako ng amo ko.

May halong foreigner ang dugo ng amo ko. Half Indian, medyo may kaya, kaya nakapagpatayo ng store ang problema nga lang ay yung ugali. Minsan nagagalit ng walang dahilan at nangbibintang pa. Buti nga nakayanan ko kasi nangangailangan talaga ako ng pera. Nangako si amo ko na dadagdagan niya yung sweldo ko kapag wala pa siyang nahanap na guard at isang helper na siyang papalit sa dalawang umalis.

Buti nga eh, medyo makakapag-ipon ako para pambayad na din sa exam kapag nagsimula na yung klase. Kahit kasi may scholarship may konting babayaran pa rin. Buti sana kung full tuition yung babayadan nila kaso hindi. Nakakahiya naman kung lagi nalang akong aasa kina tiyo. Mas lalo lamang sasama ang loob sa akin ni tiya. 

Nang malapit na ako  ay namataan ko ang ilang mga kapitbahay namin nasa harapan ng bahay. Tila ba ay may hindi magandang nangyayari sa loob. Medyo nagkakagulo gulo pa sila, nakita kong napasigaw yung kumare ng tiya ko sabay takip ng mukha. Nag-iiyakan na din yung iba. Nang sandaling iyon nakaramdam ako ng kaba. Nakita naman ako ni Eva at dali dali akong  nilapitan.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now