Chapter 12

33 12 1
                                    

Chapter 12

One week and three days na kami sa Tagaytay. Sa loob ng isang linggo at tatlong araw ay masaya ako na kumikita ako ng pera sa cafe shop nila Jane. Sa umaga kami nagtatrabaho sa cafe at sa gabi naman namin ipinagpapatuloy ang paggawa ng research.

So far nasa kalahati na kami at yun ang unang ipapasa muna sa finals na yung buong research. Kaya naman ay may natitira pa kaming mga araw para mag-enjoy sa Tagaytay at maglibang libang. Naisipan ng pamilya ni Jane na maligo kami sa dagat bilang pagcelebrate sa kaarawan ni Jane bukas. Ngayong araw kami babyahe sakay sa malaking van nila para bukas ay diretso diretso na kami sa pagcelebrate.

Nagkasya kami sa malaking van nila nasa likod kaming tatlo ni James at Emory pinagigitnaan nila akong dalawa at sina Nathalie at Jane naman ay nasa bandang harap namin nakaakbay sa isa't isa habang abala sa pagkuha ng litrato, groupie. Dumaan muna kami sa isang Korean store para bumili ng raw pork meat, beef, at ilang mga alcoholic  beverages at soda. Isang oras at kalahati ay narating din namin ang hotel na pag-iistayan namin. Adjoining rooms ang kinuha ng magulang niya ang isang malaking kwarto ay may dalawang malalaking kama habang sa kabila namang kwarto ay may dalawang maliit na kama kung saan kami matutulog ni James. 

Gabi na yun nang makarating kami at pagkatapos na pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin at naghalf bath saka kami natulog nang maaga lahat dahil na rin sa pagod kami sa byahe at busog na busog pa kami dahil nagawa naming dumaan sa isang restaurant para kumain ng hapunan.

Kinabukasan ng hapon nasa iisang cottage na kami. Nakahanda na ang ilang mga pagkain at mga inumin. Alas kwatro ng hapon nang simulan ang pagdiwang sa kaarawan ni Jane. Marami raming bisita ang mga dumating mostly mga relatives niya na nasa malapit lang nakatira. Nameet namin ang ilang mga pinsan niya nalaman namin na nag-iisang babaeng apo pala si Jane ng lolo't lola niya.Nakipag-inuman naman kami ni James sa apat na pinsan ni Jane , ang tatlo sa pinsan niya ay kaedad lang namin at ang isa naman ay mas matanda sa amin ng dalawang taon. Ayaw ko sanang uminom pero wala na akong nagawa nang hilahin nila ako papunta sa ibang cottage.

Habang kaming mga lalaki ay nag-iinuman sa di kalayuan naman ay ang mga babae na abala sa pagtatampisaw sa dagat at pagkuha ng ilang mga litrato.

"Anong tingin tingin mo diyan?" chat sa akin ni Emory through Facebook.

"Hindi ikaw tinitignan ko si Jane at Nathalie bagay kasi sakanila ang suot nilang swimsuit. "

"Ah ganun? So ako hindi?"

Hindi ko nalang siya nireplyan at itinago ang cellphone sa aking bulsa. Kahit naman kasi magreply ako di rin niya ako tatantanan parang palagi nalang nanghahamon ng away.

"Kio, James hali na kayo samahan niyo kami!" sigaw ni Nathalie at ipinakita ang camera na hawak.

Wala na kaming nagawa kundi ay lumapit at sumali sa pagkuha nila ng litrato. May pagkakataon pang sumakay sa likuran ko si Emory sabay pisil sa pisngi ko at tawa tawang napatingin sa kamera.

Inihulog ko naman siya sa dagat pagkatapos ng pagpicture picture nila. Nagtawanan kaming lahat nang pag-ahon ni Emory sa tubig ay para siyang taong grasa buhaghag na buhaghag ang buhok may plastic pa ang ulo.

"Walanghiya ka talaga Kio!" Inis na inis niyang wika at hinabol ako.

Natapos kami sa pag-iinuman mag-aalas otso na hinatid naming pareho ni James ang dalawa sakanila dahil lasing na lasing na at hindi na makatayo ng maayos at hindi na rin makausap ng maayos. At ang dalawang natira ay nagsiuwian na dahil hinahanap na daw sila ng mga magulang nila. Samantala nauna naman si James sa kwarto dahil gusto na din niyang matulog. Ang dami naming ginawa nagsayawan, kantahan at nagkwentuhan.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now