Chapter 32

24 12 0
                                    

Chapter 32

"Kio, pwedeng pasama naman ako dun sa Dean's office kakausapin ko lang siya patungkol sa importanteng bagay kaso nahihiya akong pumasok. Kaya kung pwede samahan mo sana ako doon kahit dun ka lang sa labas ng office please?" pagmamakaawa sa akin ni Nathalie, nasa library ako abala sa pagbabasa ng libro nang bigla siyang sumulpot.

Napansin ko na pinagpapawisan siya ng husto halata ngang kinakabahan siya papunta sa Dean's office. Maging ako nga rin ay nakaramdam ng kaba nang maalala ko gaano ka strikto ang Dean ng Department namin gayunpaman ay sumang-ayon nalang ako at sinamahan siya.

Hindi kami nagtagal doon lumabas rin kaagad siya dahil mabilis lang ang pag-uusap nila ng Dean. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang pinag-usapan nila inalalayan ko siya pababa ng hagdan dahil sa nahihirapan siya sa pagbaba dahil na rin sa may sugat siya sa paa sakto namang pababa kami ng makasalubong namin pareho sina Gio at Eva nagkatinginan kami ni Eva panandalian ngunit kaagad din akong nag-iwas ng tingin at umaktong hindi ko sila nakita. Naramdaman ko nalang ang pagtapik ni Gio sa balikat ko bago pa man kami tuluyang makalayo. Nagtakang napatingin naman sa akin si Nathalie.

"Nag-away ba kayo ni  Eva?" aniya at kumapit sa braso ko.

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko.

"Hmm? Sa tingin ko parang nagkaroon nga kayo ng away. "

"Nakapagbayad ka na ba ng tuition?" paglihis ko sa ibang diskusyon.

"Ah ako? Baka bukas pa ako makakabayad hindi na ako pinapadalhan ng daddy ko----teka si Emory ba yun? Kio pakikuha ng cellphone ko sa bag ko dali!"

Nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi niya nang maibigay ko ang cellphone ay itinutok niya ito sa direksyon ni Emory sinundan ko naman kaagad ng tingin.

"Eto talagang si Emory hindi man lang niya naikwento sa akin na may something special na pala sila ni Lemuel!" Kinikilig niyang sambit habang ang cellphone ay nakatutok pa rin kina Emory, nakatalikod ang lalaki sa gawi namin habang inaayos ang bagong gupit na bangs ni Emory at may kung anong binulong pa dahilan upang mapatawa ng malakas  si Emory sabay hampas ng mahina sa balikat niya.

Mas lalo naman siyang kinilig nang halikan ng lalaki ang pisngi niya. Nakakarindi ang tawanan nilang dalawa sa totoo lang. Akala ata nila eh walang nagkaklase sa classroom na malapit lang sa kinatatayuan nilang dalawa. Hindi man lang nahiya sa lakas ng boses.

Tumikhim ako at nakapamulsang nauna maglakad kay Nathalie. Nakita ako ni Emory nag-iwas na lamang ako ng tingin habang si Nathalie naman nakasunod na sa akin habang tinutukso si Emory. Hindi na ako lumingon pa sa dalawa at mas binilisan ang lakad hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa room at mapaupo sa silya.

Napakuyom ang kamao ko nang maalala ko ang nakita ng dalawang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawang magtapat sa akin na ako ang gusto niya gayung klarong klaro naman na yung lalaking yun ang gustong gusto niya. Hindi kaya pinaglalaruan niya lang ako? Sa isipin iyon ay mas lalong kumuyom ang kamao saka ko nalang din napansin na lukot na lukot na ang test paper na nasa harap ko nung sabihin sa akin ni Jane.

Nagtatakang tinignan ako ni James sa likuran ko. Tinapik niya ang balikat ko nang may pagkalakas lakas.

"May problema ba pare? Parang wala ka sa sarili mo."

"Wala naman. May iniisip lang ako..."

"Patungkol ba yan sa tuition at iba pang bayarin?"

"Higit pa doon..." bulong ko.

"Ano?"

"Ah wala wala pasensya ka na."

Sa sumunod na  mga araw ay ganun pa din palagi ko silang nakikita sa corridor magkasama, nag-uusap at nagtatawanan. Simula nung hindi na siya umuuwi sa bahay ay naging ganyan na siya siguro nga ay totoo yung hinala ko. Pinagloloko lang ako ng dalawa. At sa pang labing beses ay nilagpasan ko lang ang dalawa nakita niya ako pero hindi na niya ako kinausap pa hindi niya ako kinulit gaya ng ginagawa niya. And it pisses me off seeing her with that guy.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon