Chapter 14

33 11 0
                                    

Chapter 14

Tinuro ni Emory ang lalaking nagtitinda ng fish ball sabay puppy eyes sa harap ko. Tinulak ko ang noo niya gamit ang daliri ko saka siya iwinakli ng mahina pagilid. Kanina pa niya ako hinaharangan at nagmamakaawang nagpapalibre sa akin ng fish ball makailang beses ko naman siyang hinindian. Nailibre ko na siya kanina sa Jollibee magkaparehas pa kami ng inorder burger steak na tig 89 pesos ang isa at may libreng isang baso ng coke pa.

Napatigil ako at tinaasan siya ng kilay. May bulate kaya siya sa tiyan at palagi nalang gutom na gutom kahit na busog na busog naman. Hinawakan niya ang balikat ko at tumingkayad iniwas ko naman ang mukha ko kaagad.

"Arte nito may kanin ka sa gilid ng labi mo noh!" hinampas niya ng pagkahina hina ang dibdib ko saka naman hinawakan ng maigi ang aking mukha.

"Akala mo hahalikan kita? Di ka talaga makapag-antay" biro na naman niya nang matapos niyang kunin ang kanin na sinasabi niya sa gilid ng labi ko.

"Magsitigil ka nga diyan," saka ko naman tinabunan ang bibig niya gamit ang palad ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Animo'y para siyang sinapian sa sobrang likot nang malampasan namin si kuya na nagtitinda ng fish ball at nang makatawid na kami sa pedestrian lane sinubukan niya pang tapakan ang paa ko pero hindi ako nagpatinag.

Nasa may isang mall na kami saka ko lang inalis ang kamay ko sa bibig sabay hila sakanya sa loob. Pinagtitinginan naman kami ng dalawang guard saka ko lang din napagtanto na magkahawak kamay pala kami. Dulot ng kahihiyan ay nginitian ko sila at umaktong kuya niya na siya namang ikinasimangot niya ng todo dahil sa hindi niya daw akong matanggap na kuya niya ako. Masyado raw akong swerte na maging kapatid ko siya.

Nasa may jewelry store kami nung mapatigil ako. Hinanap ng aking mata kaagad iyong kwintas na maganda at medyo afford ko. Napatingin tingin din siya sa may salamin at nagtanong tanong pa sa ilang mga kwintas at bracelet na walang presyo. Nilapitan naman ako kaagad ng isang babae.

"Ano pong hinahanap niyo sir?" magalang na tanong nito sa akin.

"Ah ...."

Matagal ako nakasagot hanggang sa lumayo layo sa akin si Emory nang tignan niya ang ilang mga kwintas sa may gilid ng pintuan nila.

"This one po" sabay turo ko sa kwintas na may butterfly na design.

Napangiti ang babae at nag thumbs up sa akin. "Ah, okay sir ilalagay ko po ito sa box. May kailangan po ho ba kayo? Para kay ma'am?"

Tinuro niya si Emory na ngayon ay may kadaldalan nang babae. Napangiti ako ng konti at makailang beses na umiling. Nang matapos kong bayaran ang kwintas ay lumabas na kami ni Emory at sa di inaasahang pagkakataon ay nakasalubong naman namin sina Eva at Gio kasama ang ilang mga barkada ni Eva na hindi ko kilala at hindi pamilyar sa akin.

Nahihiyang kinawayan ko sila lumapit naman si Gio sa akin at pabirong niyakap ako sabay tingin kay Emory. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin paniguradong tutuksuin na naman niya ako sa bahay. Sa huli ay tawa tawang gumilid siya at hinayaan si Eva ana yakapin ako nang mahigpit.

"Kio, I'm glad nagkita tayo dito. What are you doing here..." natigil siya ng mamataan niya si Emory sa likuran ko na tahimik at patingin tingin sa paligid.

Then she suddenly extended her hands towards her. Bahagyang nagulat si Emory at mabilis na tinanggap ang nakalahad na kamay. Napatingin pa siya sa akin bago niya ginawa iyon na para bang nagtatanong kung okay lang.

"Hi, I'm Eva, Kio's friend, and you are?"

"My name is Emory, his classmate and group mate in research."

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon