Chapter 25

26 11 0
                                    

Chapter 25

I pulled out my phone and began recording the scene that was unfolding before my eyes. The atmosphere was electric as the people around me erupted into a frenzy of excitement. It was then that Gio, who seemed to be deeply in love, took Eva's hand and began to express his feelings for her. He presented her with a bouquet of flowers, a box of chocolates, and a gift, all while kneeling down on the ground in a show of sincerity. He even asked for her permission to court her, and I was able to witness every moment of this romantic gesture.

It took a while before Eva answered. She looked around again to search for me in the crowd, and when our eyes met, I gave her a thumbs up and smiled at her. Nakatingin lang siya sa akin na para bang marami siyang gustong itanong pero hindi pwede. Nangilid ang kanyang mga mata ng luha sabay iwas sa akin ng tingin at tumango kay Gio.

Masayang dinamba ng yakap ni Gio si Eva at nagpalakpakan naman ang lahat at tinukso tukso silang dalawa. Nginitian ako ni Gio at nilapitan saka nagpasalamat sa akin ng marami. Tumango ako at niyakap siya at kinocongratulate. Hindi ako inimik ni Eva nakatayo lang siya sa gilid ni Gio nakayuko na para bang hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ko nalang muna siya kinausap at hinayaan siyang iproseso ang nangyari. I'm glad that it came out successful.

Nagpaalam kaagad ako kay Gio na may lakad pa ako at mauuna na ako sa kanilang dalawa. Inalis ko sa aking isipan ang nangyari at itinuon ang pag-iisip sa ibang bagay. Pagkarating ko sa parking lot nakita ko sina Jane nag-uusap saka lang sila natigil nang makita nila ako. Sinenyasan nila akong sumakay na at kanina pa nag-aantay ang drayber nila sa amin. Umupo ako sa backseat , pinagigitnaan nila akong dalawa ni Emory at Nathalie habang sa pinalikuran namin ay si James.

Habang nasa biyahe ay nagulat ako nang palihim na hawakan ni Emory ang kamay sabay pisil ng mahina. Napatingin ako sakanya ganun rin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang pagdaan ng awa sa kanyang mata. Ayokong kinaaawaan ako, I hate it.

"What? Don't look at me like that."

Nagkibit balikat siya, saka lang niya binitawan ang kamay ko nang makarating kami sa club.

"Maiwan na muna namin kayo ah? Maghahanap pa kaming tatlo ng table. Pakibantay kay Emory, Kio at baka kung ano ano na naman ang maisipan niyang gawin dito."

"Grabe ka talaga sa akin Jane ano tingin mo sa akin parang batang nagwawala?"

"Ah ghurl gusto mo bang i-narrate ko sayo ang nangyari nung nakaraan huh?"

"Wag na iinit lang ang ulo ko kapag naalala ko yun. Nakakahiya."

"Bakit ano bang ginawa mo?" naitanong ko nang tuluyan silang makalayo sa amin. Nakatayo kami sa may gilid malapit lang sa may entrance.

"Ah wala wala, wag mo na isipin yun. Teka parang kumportableng kumportable ka ah nakapunta ka na ba sa mga ganito?" Pinandilatan niya ako ng mata animo'y parang jowa na sinusubukang pinapapaamin ang jowa niya.

"Oo naman, hindi gaanong okay ang buhay kapag hindi nakapagclub." I smirked.

Hinampas niya ang balikat ko na para bang inis na inis siya sa sinabi ko. Hinayaan ko nalang siya at natawa nalang. Is she expecting me to say no and that I haven't been in a club yet? Tsk.

"Wow! Grabe akala ko inosente ka sa mga ganitong bagay. Ano pa nga ba ineexpect ko? Lalaki ka eh. Hindi nga pala kayo nabubuhay kung hindi pumupunta sa ganitong lugar."

"Hindi naman lahat. Some just want to come here to have fun and escape the problems that they have been dealing, temporarily. Hindi lahat pumupunta dito para lang mangmanyak o di kaka'y maghanap ng babaeng lolokohin."

"Asus, palusot mo ang sabihin mo gusto mo talagang nakakita ng mga seksing babae."

"Ewan ko sayo" hinila ko na siya papunta sa table na napili nila Jane habang panay naman ang daldal niya sa akin hanggang sa mapaupo na siya.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now