Chapter 16

28 12 2
                                    

Chapter 16

"Gio?" pasigaw kong sabi nang makarating ako sa bahay.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang madatnan kong walang katao tao ang bahay. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong sulok pumunta ako sa kwarto nila Tiyo nagbabasakaling makita ko sila roon pero bigo ako. Lumabas ako ulit at pumunta sa likuran pero wala din sila doon.

Nagsimula akong magtaka at sinubukang tawagan ang cellphone number ni Tiyo pero ring lang iyon ng ring walang sumasagot. Pagkatapos ay si Gio naman ang tinawagan ko hindi nagring ang phone niya mukhang nakaoff pa ata. Pero ang sabi naman ni Eva sa akin kanina nauna na siyang umuwi sakanya hindi gaya may dinaanan pa ang isang yun?

Pinuntahan ko si Eva upang makasigurado kung nauna nga ba si Gio at ang sabi niya ay kumpirmado ngang nauna si Gio at nakita pa ng driver nila na pumasok sa bahay. Dala ng kaba ay mabilis akong tumakbo papauwi nang maalala kong hindi ko nga pala nacheck ang kwarto niya. Mabibilis at malalakas na katok ang ginawa ko sa pinto niya habang paulit ulit na tinatawag ang kanyang pangalan. Pinakiramdaman at sinubukan kong makinig sa loob ng kwarto niya ngunit walang ni isang ingay akong narinig. Madalas naman siyang magpatugtog ng musika sa tuwing umuuwi siya ng bahay pero ngayon ay tila walang katao tao ang loob.

"Buksan mo ang pinto, Gio!" pagmamakaawa ko pa.

Sinubukan kong gibain ang pintuan niya pero hindi kaya ng lakas ko. Hanggang sa dumating sina Tiyo ay Tiya nag-aalala at nagtatakang napatingin sa akin. Kusang tumulo na ang mga luha ko nang lapitan nila akong dalawa tinuro ko ang kwarto ni Gio at ilang beses na napailing. Sa pagkakataong iyon tila hindi ko masabi sabi sa kanila ang nangyayari. Takot kaagad ang namayani sa buong katawan ko.

Napatakip ng bibig si Tiya nang mapagtanto niya ang gusto kong iparating. Mabilis niya akong tinulak papalayo sa pintuan at kumatok habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ng anak. Kaagad rin namang kinuha ni Tiyo ang susi ni Gio sa kwarto na dala dala niya sa kanyang bulsa. Nang mabuksan niya ito ay bumungad sa amin ang walang kamalay malay na si Gio nakahandusay sa sahig.

Lumapit ako sakanya at tinapik tapik ang kanyang pisngi.

"Gio? Gio? Gumising ka, naririnig mo ba kami?" pagmamakaawa ko. Nang hawakan ko ang kanyang kamay ay malamig na malamig na ito kaya naman ay binuhat ko na siya agad papalabas.

Nakasunod naman sa akin sina Tiyo at Tiya umiiyak. Nakita kami ni Eva kaya naman ay tinawag niya ang drayber nila at inutusan na tulungan kaming dalhin si Gio sa ospital. Pagkarating na pagkarating namin doon isinugod na siya sa ER hindi kami pinayagang makapasok pa bagkus ay pinahihintay nalang sa labas.

Umiiyak na napaupo ako sa gilid at sising sisi kung bakit hindi kaagad ako nakauwi ng maaga. Edi sana ay natulungan ko siya kaagad at nadala dito sa ospital. Awang awa ako sa sinapit niya habang mag-isang nagdudusa o humihingi ng tulong habang wala kami roon. Magkabilang sampal at ilang mga malalakas na hampas ang natanggap ko mula kay Tiya. Galit na galit niya akong sinugod habang pilit naman siyang inaawat ni Tiyo at si Eva naman ay hinaharangan ako mula kay Tiya.

Animo'y wala akong pakiramdam parang wala akong naramdamang sakit mula sa mga sampal at hampas niya. Nakayuko lang ako at iniisip kung ano nalang ang mangyayari sa pinakamamahal kong pinsan. Biglang nanumbalik sa akin ang alaala ko kay Itay ganitong ganito ang nangyari sa akin noon at ayokong mangyari kay Gio ang nasaksihan ko. Hindi ko na kakayanin kapag may nawala naman sa buhay ko.

Kusa nalang bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod sa harap ni Tiya. Nahihiya man ako ay kinapalan ko ang aking pagmumukha. Kulang na kulang pa nga ang ginawa niya sa akin. Kasalanan ko ang lahat kung sana'y maaga lang ako nakauwi hindi siguro kami aabot sa ganito.

"Sorry po...." paulit ulit kong wika habang tumutulo ang aking mga luha.

Nakadungaw sa akin si Eva gaya ko ay umiiyak rin siya, puno ng awa ang kanyang pagmumukha sa akin.

"Kio,tumayo ka riyan wala kang kasalanan" pagmamakaawa sa akin ni Tiyo.

"Kio, please you don't have to do this. It's not your fault okay? Don't blame yourself."

"Eva kasalanan ko ang lahat. Hindi ko man lang siya nagawang mailigtas--"

"Tama ka! Ipinagbilinan ko pa naman din sayo na bantayan mong maigi ang anak ko! Pero anong ginawa mo?! Makasarili ka mas inuna mo pa ang paglalakwatsa! "

"Tiya..."

"Wala kang kwenta! Puro nalang kamalasan ang dala mo sa pamilya ko kaya nawalan ka ng mga magulang ay dahil sayo! Kung hindi ka sana iniluwal ng nanay mo buhay pa sana siya ngayon! Kaya kahit anong gawin mong paghingi ng tawad hinding hindi kita mapapatawad kahit kailan. Mabaon man ako sa impyerno ang galit ko sayo ay mananatili tandaan mo yan."

Parang dinurog ang puso ko sa sobrang sakit. Inaamin kong nararapat lang na batuhin ako ng mga masasakit na salita. Tila nasasakal ako sa paghiya at guilt na dala dala ko. Naiinis ako na sa aking sarili kung bakit pinanganak akong may kakambal na kamalasan. Lahat nalang ng taong malapit sa akin ay nagdudurusa dahil sa tila sumpang dala dala ko.

Para bang milyong milyong kutsilyo ang tumusok sa akin sa katotohanang wala akong naidudulot na mabuti sa lahat.

Ang pagkamatay ng aking mga magulang ang isa sa hindi ko malilimutan. Iyon ang paalala sa akin habang buhay na masama akong tao. Marami akong nasaktan, kinunan ng pagkakataon na maging masaya sa buhay. Siguro nga ay mas mabuting mawala nalang ako o maglaho bigla sa mundo.

Sana mangyari iyon dahil pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya. Halos wala na akong mukhang maihahaharap sa lahat.

Nag-angat ng tingin kay Eva na ngayon ay may dalang tubig at pagkain. Umupo siya sa tabi ko sabay lagay ng dala niya sa kamay ko. Walang pasabing niyakap niya ako at hinagod hagod ang aking likod. Hindi ako umimik nakatingin lang ako sa lupa kanina pa ako naghihintay sa labas ng ospital nagbabasakaling lalabas na si Gio at makakauwi na rin kami. Dalawang araw na ang dumaan , dalawang araw na din akong hindi muna pumasok sa unibersidad. Pagod na pagod ang katawan, ininda ko ang gutom at pagkauhaw.

"Kumain ka na muna kanina ka pa diyan. Siguradong magagalit si Gio kapag nalaman niya ang sitwasyon mo ngayon. Kailangan mong magpalakas kailangan mong ayusin ang sarili mo. You look like a mess right now. Hindi ba't papasok ka ba sa trabaho mamaya?"

"Kaya ko ang sarili ko Eva wag kang mag-alala sa akin. Ang aalalahanin mo ang sarili mo baka pagalitan ka pa ng daddy mo kapag nalaman niyang dumaan ka pa dito."

"Alam naman ni Daddy naiintindihan niya. Nag-aalala ako sayo ng lubos hindi ka ba mapapagod mag-antay dito sa labas? Hindi na kakayanin ng sarili mong magtrabaho mamaya kapag hindi ka nagpahinga."

"Pagod? I'm very exhausted right now Eva pero hindi dapat ako magpatalo sa pagod. Kailangan ako ni Gio ngayon kamusta na nga pala siya?"

" The doctor said he needs to stay here for a while. Kailangan pa kasing i-monitor siya and thank God you were there to save him. Alam mo ba sabi ng doctor mabuti nalang at kaagad siyang naisugod sa ospital? Kasi kung hindi malamang...patay na siya ngayon."

"He'll be fine I promise. He said you need to rest. Yun lang ang huling sabi sa akin ni Gio kanina bago siya magpahinga. Nalungkot siya nung malaman niya ang ginawa ng mama. He said he's sorry."

" He doesn't need to say sorry. Thank you so much, Eva."

"Right now, ipagdasal nalang natin na maging okay na nga ang kalagayan niya sa susunod na araw." She planted a kiss on my forehead.

"Kio, I'm so thankful I met you. You have a kind heart, you're a good soul. May God bless you."

"So please don't give up. Lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, mga problemang kinahaharap mo lahat ng yan mawawala din sa tamang panahon" she added.

"Sana nga.."

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now