Chapter 19

23 11 0
                                    

Chapter 19

Nagising ako mula sa pagkakaidlip sa loob ng library nang yugyugin ni Emory ang mesa. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at pagod siyang tinignan. Masayang ipinakita niya sa akin ang isang test paper sabay pisil sa aking pisngi. Napangiwi ako ako at kinuha ang papel na hawak niya.

"See? Perfect score Kio!" aniya na para bang nanalo sa lotto ng milyong milyong halaga ng pera.

Sinita naman kaagad siya ng librarian sa lakas ng kanyang boses at napapahiyang iyinuko ang ulo at humingi ng tawad dito. Napailing ang librarian at sinenyasan siyang papalabasan ng library kapag mag-iingay pa siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papalabas ng library. Maraming estudyante kasi ang napatingin sa amin animo'y pinagtsitsismisan kami. Nang makalabas ay dinamba na naman niya ako ng yakap sabay gulo sa aking buhok. Inis na inis ko siyang itinulak nang mahina.

"Kung makareact ka naman diyan parang hindi mo din ginugulo buhok ko ano? Nagsusungit ka na naman diyan."

Hindi ko na muna siya pinansin at binasa ang test paper. Napag-alaman kong iyon ay ang test paper na sinagutan namin nung isang araw sa minor subject na Math. Tumango ako at kaagad na itinago ito sa aking bag.

"Tara na, punta na tayo sa classroom."

Pinigilan niya ako at hinarang habang nakabuka nang malapad ang dalawang braso animo'y naghihintay ng yakap. Pinag-ekis ko ang aking braso at hinintay siyang magsalita.

"Teka- no reaction? no suggestion? clarifications? I mean wala ka man lang gagawin?"

"Na ano?"

"Magsaya ano pa ba?! You've got the highest score sa exam sa Math at alam mo ba ang sabi ni Ma'am?"

"Malamang hindi, na late ako last meeting remember?"

Napatampal siya ng noo at napailing sa akin. " Ano ba yan! Ang sabi niya you are the first student in her class na nakaperfect sa exam na ginawa niya. Ikaw lang daw! "

"And then?"

"Ewan ko sayo Sungit puro tulog at pahinga nalang ata ang nasa isip mo magsaya ka naman sa buhay---" I cutted her off by pushing her towards the elevator.

Tinakpan ko ang bibig niya takang taka naman ang guard sa loob ng elevator sa ginawa ko. Umakyat kami papuntang 8th floor kung saan nandun ang isang canteen saka ko lang inalis ang kamay ko sa bibig nang makalabas kami sa elevator.

Hawak hawak ko ang kamay niya nung pumasok kami sa canteen at bumili ng pagkain. Inutusan ko siyang maghanap ng bakanteng mauupuan hindi na niya ako tinanong kung bakit basta nalang din niyang sinunod ang utos ko. Nang matapos naman ako sa pagbayad ng inorder kong pagkain ay lumapit na ako sakanya sabay lapag sa mga pagkain sa harap niya.

Tinuro ko ang pagkain. "Come on, eat."

"Eat?"

"Bakit ayaw mo?"

Mabilis niyang kinuha ang pagkain papalayo sa akin nang akmang kukunin ko ito palayo sakanya.

"Syempre hindi pero bakit ka naman biglang bumili dito? Ang layo nito sa napag-usapan natin sa baba."

"Tinanong mo ako kung anong gagawin ko di ba? Edi eto kumain tayo nang masaya."

Animo'y natigilan siya at napipi, hindi nakapagsalita. Pinoproseso pa ata niya ang sinabi ko hinayaan ko nalang siya at nagsimulang kumain. Maya maya pa ay tumayo siya at sarkastikong pumalakpak hinila ko siya at pinaupo.

"Shut up, and eat. Wag kang magsayang ng oras kailangan pa nating bumalik sa classroom."

"Ang cringe mo, pweh."

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now