Chapter 5

108 14 0
                                    

Chapter 5

Nang akmang tatalon na ako ay bigla namang tumulak sa akin ng pagkalakas lakas hanggang sa napabagsak ako sa lupa. Masakit na masakit ang pagkabagsak ko kaya mas lalong nagsituluan ang mga luha ko sa aking mga mata.

Pagkatingin ko ay isang babaeng humihikbi ang nakadungaw sa akin. Itinabi niya ang bike na sinasakyan niya at saka ako nilapitan.

"Pwede ba! Kung may problema ka sabihin mo hindi yung bigla bigla ka nalang tatalon diyan! " sigaw niya sa akin at hinampas ako ng bag na hawak niya.

Who is she? Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko nung mga oras na yun. Hindi ko siya kilala , hindi kami magkakilala pero nung oras na yun ay tila ba ay magkakilala na kami nang matagal animo'y nakikipag-usap lang siya sa malapit niyang kaibigan.

"Hindi mo dapat ako pinigilan---"

"Para ano? Para magpakamatay ka at mabalita sa TV na mayroon isang baliw na lalaki ang bigla bigla nalang tumalon ng walang dahilan--"

"Walang dahilan?" Bigla akong nainis sa narinig ko mula sakanya.

"Sa tingin mo ba biro biro lang ang lahat ng ito? You don't know my pain" nanginginig ang boses ko. Wala na nga atang tao ang makakaintindi sa sitwasyon ko. Pareho lang silang lahat.

Animo'y ako ay isang baliw sa kanilang mga mata. Hindi na alintana sa kanila kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

Iwinakli ko ang kamay niya nang akmang hahawakan niya ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry...Siguro nga wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon at sa kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon pero wag naman sana ganito. Handa akong makinig sayo , handa akong paglaanan ka ng oras just please don't do this"umiiyak na niyang saad sa akin.

"Why do you care?"

"Kasi ayokong masaktan ka."

Natigilan ako naramdaman ko ang sinseridad sa kanyang boses. Dahan dahan niyang hinawakan ang mga nanginginig  kong mga kamay.

"Nagsasabi ako ng totoo... ayaw kong makita kang masaktan. Ayaw kong makita kang pagkaguluhan ng mga tao at pilit na sinasalba. Kapag tumalon ka diyan walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka o mamamatay."

"Kung kailangan mo ng tulong nakahanda ako kaya kong ibigay lahat lahat wag ka lang magpakamatay. Siguro nga'y nahihirapan ka ngayon pero malay mo yung hirap na yan ay mawawala pagdaan ng ilang mga araw , buwan, o taon."

Kasi ayaw niyang masaktan ako? Muling nagtuluan ang mga luha ko , hindi ko na napigilan. Para bang may kung anong humaplos sa puso ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa wakas mayroon din isang taong hindi man malapit sa akin pero nagawa namang pagaanin loob ko.

"Ayokong mawala ka , ayokong may mawalan ng buhay ang mga taong kagaya mo. I can see that you are a good person and that you're trying your best to live, be happy and help yourself. But you have to know that I am here that I exist and I am willing to help you."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sakanya and the next she did shocked me. She lean to me and kiss my forehead saka naman pinagdikit ang mga noo namin.

"Handa akong pakinggan ka and I won't judge you." 

For some reason it melted my heart. She gave me hope. I can't believe that I met an angel who has a kind heart. Wala na akong ibang nagawa kundi ay tumitig sa bilugan at maganda niyang mata. Mamula mula na ang ilong at mata niya sa kakaiyak at ako naman ay tumigil nalang ang pag-iyak , pinanood ko na lamang siya. Bakit ngayon ka lang? I've been waiting for years and then you  came to save me. I wanted to ask her. 

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now