Chapter 26

26 11 0
                                    


Chapter 26

"Emory, sakay ka na sa likod ko para maiuwi na kita sa inyo"pamimilit ko sakanya pero hindi siya nakinig at ipinagpatuloy ang pagtulog nang nakaupo sa gilid ng kalsada.

Sinundot ko ang pisngi niya na siyang ikinainis niya at iwinakli ang kamay ko. Napabuntong hininga ako at tumabi nalang muna sakanya sa pagkakaupo. Pagod na pagod na talaga ako gustong gusto ko na umuwi pero ang tigas ng ulo niya.

"Gusto mo bang dito nalang matulog sa daan? Kung yan ang gusto mo dadalhan nalang kita ng kumot at unan dito."

"A-ayoko umuwi sa amin...."

"Bakit na naman? Mapapagalitan ka ng mga magulang mo at mag-aalala sayo sila ng sobra. Hindi mo man lang ba naisip yun?"

Nilingon niya ako.

"Hindi naman sila nag-aalala sa akin. Kahit kailan at isa pa ayoko umuwi wala akong maayos na natutulugan doon kasi si pa rin umuuwi mga kamag-anak namin parang wala na atang balak umuwi."

Akmang magsasalita na sana ako pero natigil rin nang mapansin kong tumutulo na ang mga luha niya. Umiiyak siya iniyuko niya ang ulo at humikbi nagtaas baba ang kanyang mga balikat at nung hindi na niya makayanan ay tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kanyang dalawang kamay.

Natulala ako sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nakatingin lang ako sa kanya at nakaramdam ng awa. This is my first time seeing her cry. I didn't expect to see her like this, that cheerful lady I know is gone at the moment.  Nawala ang mga ngiti niyang nakakainis napalitan ng lungkot.

Kusa kong hinagod ang kanyang likuran. There's nothing I can do to ease what she is feeling maybe this can do.

"You can stay sa bahay if gusto mo kahit ilang araw o buwan. Ako bahala sayo kaya tumayo ka na riyan at uuwi na tayo."

"S-salamat pero ayoko pang umuwi. Ayokong matulog nang mabigat sa pakiramdam. Can I be honest Kio? Okay lang ba mag open up? Marami akong mga problema hindi ko alam saan ko sisimulan."

"Okay. I'm all ears."

"Really? Makikinig ka? Ay wag nalang pala yung problema sa bahay iba nalang."

"Oh sige kahit anong gusto mong sabihin. Ano bang nagpapabigat sa pakiramdam mo?"

"Y-yung crush ko may ibang gusto. Ang sakit sakit lang dito oh" umiiyak niyang saad parang batang kaawa awa sabay turo sa bandang dibdib niya.

"Crush? Okay. Ano naman ngayon kung may ibang gusto? Maghanap ka ng ibang magugustuhan" simpleng sagot ko.

Can't believe we are talking about her crush namely Lemuel. Hayss.

"Crush lang naman yan marami pang iba diyan sa tabi tabi.--"

Bigla niya akong niyakap sabay hagulgol kaya wala na akong nagawa kundi patahanin siya sa abot ng makakaya ko. Hindi ko na nabilang kong ilang segundo, minuto o oras kaming nandun pero kalaunan ay tumigil na siya sa pag-iyat kumalma. I have a feeling that this has nothing to do with her crush. Probably, she's dealing with a family problem or other problems could be financial and etc.

Hindi na ako nakiusisa pa. Pinahiran ko ang mukha niya ng panyo at inayos ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Itinali ko ang nakalugay niyang buhok na kanya namang nagustuhan. Hawak hawak niya ang isang salamin habang tinitignan ang repleksyon ng sarili doon habang nasa likuran naman niya ako.

"Alam mo...nagtataka ako kung bakit hindi ikaw yung nandun kanina."

"What do you mean?"

Nagtama ang paningin namin sa salamin. Napabuntong hininga siya sabay tago sa salamin at harap sa akin. Animo'y nahismasan siya mula sa pagkakalasing niya base sa kanyang pagmumukha.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now