Chapter 18

29 12 1
                                    


Chapter 18

"Late ka. Ay-"

Nakapamewang na bungad ni Emory sa akin nung buksan niya ang storage room habang nagbibihis ako. Napangisi ako ng palihim nang bigla siyang mag-iwas ng tingin sabay talikod at takip sa mga mata niya.

"You could've knock you know..."

"Eh malay ko bang nagbibihis ka ha? At isa pa may cr naman bakit di ka nalang dun nagbihis? Storage room toh for foods and other supplies hindi toh para sa abs mong baduy."

"Ah so inignan mo?"

"Hindi ah!"

Nilingon niya ako ulit pero kaagad ding tumalikod nang mapagtanto niyang hindi pa rin ako nakabihis nang pang-itaas. Iniwan niya ako nang biglang magsidatingan ang mga customer sa shop. Tatlong minuto bago ako lumabas mula sa storage room tinulungan ko siya sa pagscan ng mga products. Nasa likuran niya ako habang nasa harap ko naman siya , nakaharap sa computer.

Minasahe niya ang sarili balikat sabay scan ulit ng mga nasa harap niya.

"One hundred fifty po ma'am eto lang po ba? Wala na po kayong idadagdag?"

Tumango ang matanda at nakangiting tinignan kami animo'y natutuwa sa aming dalawa.

"Wala na iha. Iyan nalang muna at wala pa akong pera pambili ng iba kong gamot."

"Ano po bang mga gamot na hindi niyo nabili? Ako na po ang magbabayad" tanong ko.

"Wag na, iho bukas naman ay babalik ako rito kasi sweldo ng anak ko. Mabibili ko rin yun bukas na bukas pero salamat at may mabuti kang kalooban."

"Mapanlinlang po yan"

Napatawa ang matanda sa naituran ni Emory. Samantala nilapitan ko naman ang isang babae na parang may hinahanap pa ata. Nakaupo ito sa sahig habang tinitignang maigi ang nasa harap niya.  Tinulungan ko siya sa paghahanap at nagpasalamat naman siya sa akin pagkatapos.

Naging abala kaming pareho ni Emory sa ginagawa. Maging si kuya Roel ay naging abala naman sa pagbabantay at pagmomop sa tiles kasi umuulan at kada pasok ng customer ay nag-iiwan ito ng bakas ng kanilang sapatos sa loob. Hindi rin nagtagal ay natapos kami at nagsiuwian na.

As usual naglakad lang kami pareho sa tahimik na kalsada. Kapwa kami ay magkalayo ng isang dangkal habang papatawid sa daan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita na para bang may sarili kaming mundo at malalim ang iniisip. Hawak hawak ko ang isang notebook habang may iginuguhit doon pa minsan minsan ay sinusubukan niyang tignan kung ano ang ginagawa ko pero kaagad kong inilalayo ito sakanya. Nakabusangot ang mukha niya nung huling  magnakaw siya ng tingin sa notebook ay inilayo ko naman kaagad.

"Kung assignment man yan ang damot damot mo pahingi naman ng sagot."

Ibinaba ako ang notebook na hawak at ibinalik ito sa bag ko.

"Wag kang mag-alala hindi ito assignment. Wala namang assignment na ibinigay maliban nalang sa performance task sa PE ngayong susunod na Miyerkules."

"Eh ano yung nasa notebook mo at panay ang sulat mo doon sabay tingin sa akin kung nakatingin ako sayo. Haynaku ang sungit sungit na nga ang damot pa" pabirong sinamaan niya ako ng tingin pero kalaunan ay natawa rin.

"Anong nakakatawa?"

"Wala, wala. Mukha ka kasing pinagbagsakan ng langit at lupa base sa pagmumukha mo may problema ba?"

Nagulat ako sa aking narinig. Ang lakas naman talaga makapansin ng babaeng ito. Nakapamulsang inunahan ko siya sa paglalakad hindi ko sinagot ang tanong niya at maya maya pa ay napahawak nalang ako sa ulo ko pinalo niya pala ako nang pagkalakas lakas at nang lilingunin ko na siya ay sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap tumalon pa siya ng konti bago yumakap sa akin.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon