Chapter 10

39 15 1
                                    


Chapter 10

Nababaliw na siya, sigurado ako. Tawang tawa siya nang mapansin niyang mamula mula na ang tenga ko habang ang tingin ay nasa ibang bagay. Tinukso tukso niya ako at hinawakan sa braso sabay sundot sa pisngi ko.

"Nahihiya ka ba? Seryoso ako dun Kio ang cute mo kiligin."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang natulak sa sinabi niya.  Ako kinikilig? Ang labo ang taas din ng pangarap niyang kinikilig ako.

"I'm not,okay?"

Inikutan niya ako ng mata at hinamon. " Oh sige nga magmotel tayo kung hindi ka nahihiya o kinikilig?"

"Hindi pwede baka ano pang isipin ng mga tao dun---"

"Matutulog lang naman ah bakit ka naman nag-iisip sa iisipin ng iba sa atin. Ano ba ang purpose ng motel na yan ? Edi pahingahan."

Napailing ako sa pinagsasabi niya. Ipinagpipilitan talaga niya ang motel na yan. Walang pake sa sasabihin ng iba paano nalang kung makita kami ng mga kakilala namin doon kagaya ng mga kaklase namin o di kaya'y mga nakakakilala sakanya tutal palakaibigan naman siya.

"Bakit ano bang neron dun?"

Pinag-ekis ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay. "Kadalasan doon nag-aanuhan yung mga magjowa."

Sa pagkakataong toh siya naman ang napaiwas ang tingin at sandaling natahimik. Ayan buti alam na niya. Pero kaagad naman niya akong tinignan na para bang may ginawa akong masama o di kaaya aya.

"Oh ano?"

"May alam ka patungkol dun so ibig sabihin nakipag-anuhan ka na dun noh?"

"Uy kaya pala ayaw ha! May maaalala ka pala siguro nagrent ka ng pokpok dun.

Sinamaan ko siya ng tingin. Binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti na para bang nahuli niya ako at nalaman ang sekreto ko.

"Hindi ako ganyang tao."

"Sus! Kunware ka pa kaya pala ayaw! Pokpok lover ka ata eh."

Maryosep. Sumasakit na ulo ko sa babaeng ito at naiinis na ako kung ano ano nalang iniisip niya. Mukhang may hinihithit atang kakaiba. Grabe yung pag-iisip niya.

"Sabing hindi nga."

"Oh bakit ayaw mo?"

"Fine! Punta na tayo dun" sumusukong sambit ko.

Isang gabi lang kami sa motel. Pagsikat ng araw kaagad ko na siyang iniwan doon ako na rin nagbayad ng lahat lahat kinausap ko na rin yung nasa counter na mauuna na ako kay Emory at may kailangan pa akong gagawin. Nagchat nalang din ako kay Emory sa Facebook na nauna na ako at hindi ko na siya ginising dahil tulog mantika siya at tumutulo lawayniya.

Nang makalabas ako ay tinabunan ko ang mukha ko ng panyo. Sakto kasing pagkalabas ko napatingin yung mga tao sa akin. Ewan ko ba pero naiilang ako sa mga titig nila pakiramdam ko ay hinuhusgahan ako.

Linggo nang inayos ko na ang lahat ng mga dadalhin kong mga gamit. Nakapagpaalam na ako kay Tiyo at Tiya. Nung una parang ayaw pa pumayag ni Tiya pero nung malaman niyang makakatanggap pa rin ako ng buong sweldo ay kalaunan ay pumayag na rin siya at pinagluto ako ng dadalhin ko sa byahe sa oras na magutom man ako. Si Tiyo naman ay sinubukan pang mangutang para may pamasahe ako pero sinabi ko na sakanya na binigyan ako ng amo ko.

Proud na proud pa siya na sa wakas makakapunta na ako ng Tagaytay. Binigyan niya pa ako ng ilang mga jacket na nabili niya sa ukay ukay para maisuot ko.

"Ayan wag mong kalimutan na tumawag sa amin kapag nakarating ka na doon nang malaman namin na maayos ang kalagayan mo. Mag-iingat kayo ng kaibigan mo ha?"

Breathless (UNEDITED)Место, где живут истории. Откройте их для себя