Chapter 29

31 11 0
                                    

Chapter 29

"Kio? Gumising ka na muna diyan may binili akong ilang mga gamot sa pharmacy at bumili na din ako ng mga pagkain" aniya at inilagay ang mga pinamili sa mesa.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatalikod naramdaman ko namang nilapitan niya ako at tinignan upang makasigurong tulog nga ako. At akala ko ay napaniwala ko siya na tulog mantika ako pero nagulat nalang ako nang makatanggap ako ng isang hampas sa aking likod.

Napagulong ako pababa sa sakit ng paghampas niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya nama'y nakataas ang kilay na ipinakita sa akin ang bote ng alak na iniluklok ko lang sa isang gilid.

"Uminom ka kahit may lagnat?! Seryoso ang tigas ng ulo mo mas lalo mo lang pinapalala ang sakit mo. Ano ka ba naman Kio ang laki laki mo na dapat alam mong hindi ka pwedeng uminom muna---"

"Hindi naman ako lasing. Uminom lang ako nang sa ganun ay makalimutan ko ang lahat problema ko."

A part of what I said is true.

Pati na rin ang problemang nakita ko kanina.

"Paano nga kung lumala ang sakit mo? Pano ka na makakapasok sa klase niyan? Alam mo namang exam na natin sa susunod na linggo. Kapag may na missed ka ng mga lessons wala kang maisasagot sa exams."

"I have you. Pwede mo namang itake down notes ang mga lessons para sa akin. At isa pa wala talaga akong balak pumasok sa susunod na araw. Kailangan ko pang makausap sina Gio---"

"Pwede ba wag muna sila ang isipin mo ? Just this once, Kio sarili mo naman ang pagtuunan mo ng pansin. Saka mo na sila lapitan kapag okay ka na. Kung nakita mo lang ang sarili mo kanina paniguradong maaawa ka sa sarili mo. You look like a mess right now. "

"Buo na ang desisyon ko."

Although she's right.Napahilamos siya ng mukha at muling bumalik sa kusina. Hindi na niya ako kinibo.

Makaraan ang dalawang araw ay hindi ko nakayanan pumasok ako sa klase kahit na nanghihina. Hindi pa ako gaanong maayos nilalagnat pa rin ako kaya nagdala ako ng gamot. Napatayo naman si Emory mula sa pagkakaupo sa gulat nang makita niya. Nalate ako ng isang oras mabuti nalang at hindi pumasok ang professor namin sa first subject. Pinagalitan niya ako ng ilang beses hindi siya tumigil hanggang sa mapagod nalang siya at kusang sumuko.

Sinamahan niya ako nang magrecess na papunta ako sa building nila Gio. Nakahawak siya sa braso ko sa takot na baka bumulagta na naman ako sa sahig kahit sinabi ko nang kaya ko na ang sarili ko hindi siya nagpatinag. Naabutan naman namin si Gio sa classroom nila saktong papalabas na rin siya papuntang canteen nilapitan ko siya at kinausap nang masinsinan. Ayaw niya sana pero nang makita niyang ayokong umalis sa harap niya ay napilitan siya. Nag-usap kami sa loob ng classroom nila nang masiguro niyang nakalabas na ang lahat ng mga kaklase nilang papuntang canteen. Samantalang si Emory naman ay nasa labas nag-aantay sa amin na matapos.

"Gio, gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. Hindi ko gustong saktan siya maniwala ka sa akin."

"Wag ka namang magalit sa akin oh. Hindi ko kayang magkagalitan tayong dalawa. Gio, parang kapatid na kita. Kaya pasensya ka na talaga sa nagawa kong pagkakamali."

He heaved a deep sigh. "Are you alright Kio? Parang may sakit ka. Wag mo na munang pilitin sana ang sarili mo at nanghihina ka kailangan mong madala sa clinic."

"Gio parang awa mo na..."

Tinapik niya ang balikat ko. " Okay na pinsan, nasabi sa akin ni Eva ang pangyayari pero hindi niya nasabi sa akin kung ano ang napag-awayan niyo. Pasensya ka na at nagalit kaagad ako pero hindi ko talaga gusto yung nakita ko nung nakaraan" makahulugang sabi niya.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon