Chapter 21

31 12 0
                                    

Chapter 21

The next day inihayag ng mayor ng classroom namin ang pagsali ng department namin dance competition sa intrams. Aniya ay dapat magkaroon kami ng participants na magrerepresent ng department namin sabay kaming napataas ng kamay ni Emory nang di inaasahan. Bahagyang nagulat sina Nathalie at Jane kalaunan ay nagsi-apiran ang dalawa at may ibulong bulong.

"You're joining?" I asked.

Nagkibit balikat siya at hindi ako sinagot. Nilapitan naman kaagad kami ng mayor para siguraduhin kung sasali nga ba kami.

"Kio? Wow, narinig ko sa isang kaibigan ko na naging classmate ko noon na magaling ka talaga sumayaw. I hope that our department will win."

"Kaibigan? Maaari ko bang malaman kung sino siya?"

"Ah si Eva yung tourism student? Lagi nga kayong magkasama nung pasukan pa. "

Tumango tango ako at nahihiyang nagkamot ng ulo. I didn't know naikwento pala ni Eva yun sakanya pero hindi naman ako gaano kagaling sumayaw. Minsan nga para akong stick na ayaw matumba tumba.

"Ikaw Emory? Mahilig ka din pala sumayaw?"

Hindi na siya nakasagot nang magtawanan ng malakas sina Nathalie at Jane. Nahawa na din sa tawa ang mayor.

"Medyo lang pero ang mahalaga naigagalaw ko naman ang ulo, kamay at mga paa ko. Okay na ba iyon?"

Hindi na nakayanan ng dalawa humagalpak na naman ng tawa. Nag-iwas ako nang bigla niya akong balingan sinubukan kong wag matawa pero hindi ko nakayanan. Sinipa niya ang paa ko nang mahina.

"Isali mo na din sina Nathalie at Jane marunong yan mag pole dancing--"

"Gaga ka!"

"O sige sige isasali ko na din kayo Nath at Jane. Maghahanap pa ako ng ibang participants at sa quadrangle nga pala ang practice ha? Ala una hanggang alas tres ng hapon. Wag kayong malate ako ang magtuturo sa inyo sa choreography. Naiintindihan ba?"

"Aba! Yes ma'am!"

Naitext ko kaagad kay Eva ang pagsali ko kaagad naman siyang nagreply na masayang masaya at makakalaban nila ang department namin. She also told me she rooting for our department's success and hoping that we will win so I can finally pay my tuition. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko iyon. She is really a kind woman and I am so lucky to have her as my friend.

Ala una nang hapon nang magpunta kami sa quadrangle. Marami rami ang napapatingin sa amin nagtataka ang iba. Nagkaroon kami ng meeting pansamantala at kadalasan sa mga naging ibang participants ay mga classmates ko lang din. Yung iba daw kasing nasa ibang section ay sobrang abala sa OJT nila kaya hindi na makasali mostly higher years yung may OJT at naintindihan naman ng department namin.

Hindi nagtagal ay nag-warm kami at sinimulan na ang praktis. Maganda ang choreo na itinuro sa amin maging ang formation ay manghang mangha ako. Panay naman ang tili ng iba sa amin sa di ko malamang dahilan. Sa itaas naman ng building na nasa harap namin ay naroon si Gio nakavideo sa akin at masayang kumaway itinuro niya pa ang ilang mga kasamahan niyang babae na kanina pa sa akin nagchi-cheer nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsasayaw.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw nang muntik namang matumba si Emory na out of balance siya nang may matapakan siyang bato mabilis ko naman siyang sinalo. Gulat na gulat siya nang makita niyang nakahawak na ako sakanya inexpect kasi niyang matutumba siya sa lupa. Nagkatitigan kaming pareho, animo'y nagulat na rin ako sa ginawa ko. Sa puntong iyon tila ba ang bilis bilis ng puso ko para akong kinakabahan habang nakatingin sa pagmumukha niya.

Ngayon ko lang ata napagtanto na maganda pala talaga siya kahit sa malapitan. Napatikhim ako at kaagad siyang binitawan nang magsimulang lapitan kami ng ilan sa mga kasamahan namin at nagsimulang tanungin siya kung okay ba siya o masakit ba ang paa niyang natalisod. Saktong pagkatalikod ko sakanya nang bumungad sa akin ang nakangising sina Jane at Nathalie na kapwa nagheart sign pa sabay nguso sa direksiyon ni Emory. Umakto akong walang nakita saka sila nilagpasan sabay kuha ng water bottle ko sa gilid. Bigla bigla nalang akong inuhaw kahit kanina kakainom ko lang siguro sa sobrang pagsasayaw ko.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now