Chapter 28

27 11 0
                                    


Chapter 28

"What's happening here?"

Sumulpot si Gio sa gawing kanan ko habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Eva. Nakakunot ang kanyang noo nang mapansin niyang humihikbi si Eva kanya niya itong nilapitan at pinatahan. Umiling iling si Eva nang tanungin siya ni Gio kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse sa backseat.

"I'm sorry, Gio hindi ko sinasadyang paiyakin siya--"

"You know what? Stay away from her. Hindi ko alam ang mangyari between the two of you but seeing her cry? Tapos nakatingin ka lang at walang ginawa? Anong klase kang kaibigan Kio? Simula nang magkaroon ka ng ibang kaibigan nagbago ka na" naiinis na asik niya sa akin sabay tulak sa akin ng mahina.

"Gio, naman hindi ko naman intensyon na saktan siya nagulat lang ako kaya hindi ko kaagad siya natulungan pero-"

"Pwede ba Kio? Sinasabi ko na sayo you must stay away from her. Ayoko sanang gawin toh pero sumosobra ka na. "

"Gio! Gio! Listen to me!" Ilang ulit kong tawag sakanya pero hindi na niya ako pinakinggan pa bagkus ay pumasok na rin sa kotse hanggang sa papalayo na sila sa akin.

"Eva please....Gio..." humihikbing saad ko.

Sinubukan ko silang habulin pero hindi ko na sila naabutan. Pagod na pagod akong napatigil na lamang sa lupa habang ang mga luha ay patuloy sa pag-agos. Masakit na masakit ang damdamin ko pakiramdam ko ay nawalan ako ng mga mahahalagang tao sa buhay ko. Lahat sila galit sa akin, si Gio na pinakamamahal kong pinsan na itinuturing kong kapatid. Si Eva na hindi ko namalayan nasasaktan ko na pala.

Hindi ko namalayan kung saan saan na ako napadpad sa kakalakad. Animo'y wala na ako sa aking sarili hindi na naging pamilyar sa akin ang mga daang tinatahak ko. Sa oras na iyon tanging sina Gio at Eva ang nasa isip ko. Pakiramdam ko ay ako nalang mag-isa bumalik iyong sakit na naramdaman ko nung mawalan ako ng mga magulang. Patuloy ako sa pagluha hanggang sa maramdaman ko nalang na nababasa na ako yun pala ay bumuhos ang napalakas na ulan.

Hindi na alintana sa akin ang malalakas na busina at malulutong na murang natatanggap ko mula sa mga may-ari ng sasakyan na muntik nang makasagasa sa akin. Paulit ulit na nagreplay sa utak ko ang mga sinabi ni Gio at Eva sa akin kanina, napahawak ako sa aking ulo at makailang beses na napailing hanggang sa bumigay na ang tuhod ko at napaupo nalang sa gilid ng kalsada. Yakap yakap ko ang aking mga tuhod, nanginginig. Pinagtitinginan na ako ng mga taong napapadaan sa akin at saka pabulong bulong sa kasama nila.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong ganun. Hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa nang mabasa ng ulan. Nagsimulang manlabo ang paningin ko at umiikot na rin paningin ko. Napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman kong tila hindi na ako nababasa ng ulan malabo man ay agad kong nakilala ang taong nagpayong sa akin. Alalang alala ang kanyang mukha at inilahad ang kanyang kamay upang tulungan akong makatayo.

Subali't hindi ko pa man nahahawakan ang kanyang kamay ay nawalan na ako ng malay, hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa dahil mabilis niya akong nasalo.

" Bakit? Bakit palagi nalang ikaw? " wika ko sa aking isipan bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Kio!"



Nagising ako nang maramdaman ko ang isang basang bagay na nakalagay sa aking noo. Bumungad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Emory habang nakatanaw sa akin. Pinigilan niya ako nang sinubukan kong umupo pero wala na siyang nagawa nang hindi ako nagpatinag.

Inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng bagay. Ang noo'y punong puno ng mga nagkalat na mga gamit ay wala na bagkus malinis na malinis ang bahay. Nakaayos ang mga ilang mga gamit na nakatambak maging ang mga nagkalat na mga sapatos ay ngayon ay nasa isang gilid na. Napansin ko ang walis sa gilid ng hinihigaan kong sopa mukhang kakatapos lang niya sa paglilinis at pawis na pawis siya.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now