Chapter 9

57 13 1
                                    

Chapter 9

Binilisan ko ang lakad ko naramdaman ko pa ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa pero hindi ko na tinignan ang message na iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa madaanan ko naman ang basketball court kung saan kasalukuyang naglalaro sina Openg, Rio, at Domeng at sa bleachers naman si Eva at iba pa niyang mga kaibigan.

Hindi niya ako nakita dahil sa abala siya sa pakikipag-usap sa mga ito. Hindi na rin ako nag-abalang tawagin siya sa pangalan niya.Nilapitan ako ng tatlo at inimbitahang sumali sa paglalaro nila. Hindi na ako tumanggi dahil sa namiss ko rin naman ang paglalaro nito.

Tumagal ang laro namin ng isang oras natigil kasi kami dahil may ibang gagamit sa basketball court sabi ni Kapitan kaya wala kaming nagawa kundi tumigil nalang sa paglalaro. Papalabas na kami ng basketball court nang maaninag naman naming apat sina Eva at Gio na parang may pinagtatalunan pa ata.

Napailing at inakbayan ako ni Rio saka ginulo ang buhok ko.

"Mukhang gumagalaw na ang manok ng iba ang manok kaya natin kailan?" pabirong sabi niya na ginantungan naman nina Openg, at Domeng.

"Yung manok ng iba tuka na ng tuka yung atin parang di ata napakain ng tama at walang kagana gana kaya naunahan ng ibang manok."

"Magsitigil nga kayo magkaibigan kami ni Eva okay?" medyo naiinis kong wika na kanila namang hindi pinaniwalaan.

Nagawa pang magtakip ng ulo ang tatlo habang patawang patawang nakatingin sa akin. Mga kalokohan talaga ng tatlong toh. Kailan kaya sila titigil sa panunukso nila sa akin nakakahiya kay Eva.

"Can you stop? Alam mo di na talaga nakakatuwa yang mga joke mo."

"Pikon ka lang talaga eh..."himutok ni Gio at sinubukang pakalmahin si Eva.

"Oh anyare sa inyo?" kunwaring di ko alam.

"Pambihira talaga tong si Gio parang bata tigilan mo na yang prinsesa namin na yan." Pabirong hinampas ni Domeng si Gio sa balikat.

"Nagsorry na nga ako."

"Tsk. Sorry sorry puro ka nalang ganyan pero hindi naman sincere. Di bale na parang may sira ka naman talaga sa utak kaya ganyan."

"Kayong dalawa college na tayo pareho tapos ganyan pa din kayo" sabay ko sabay iling at hinawakan ang mga kamay nila pareho at pinag-isa.

Nanlaki ang mata ni Eva, pinandilatan niya ako. Si Gio naman ay nag-iwas ng tingin animo'y nahihiya o kinikilig. Ewan ko saan sa dalawa.

"Magbati na kayo ayokong nakikitang nag-aaway kayo maliwanag ba?"

Hindi sila umimik pareho, pero tumango naman ang dalawa saka ko binitawan ang mga kamay nila at nginitian.

"Oh siya ayusin niyo na yan ha? Uuwi muna ako at magpapahinga, ikaw Gio wag kang masyadong magpapagabi at magpagod."

"Salamat, Kio."

"Walang anuman."

_____

Mabilis lang ang mga araw at eto na kami ngayon malapit na sa midterm exam. Nagkataon naman na may research kaming gagawin requirement ng isang prof namin hanggang sa finals. Ang kagandahan ay hindi na kailangan ng oral defense basta't maayos lang ang nagawang research at walang problema.

Nakahinga ako ng maluwag pero kaagad din natigil nang marinig ko ang mga pangalan ng mga kagrupo ko. Si Nathalie, James, Jane at Emory bale dalawa lang kaming lalaki sa grupo at tatlong babae.

Nagsi-apiran naman si Nathalie, Jane at Emory sa harap ko habang si James sa gilid ay masama pa rin ang timpla ng mukha sa akin. Ano kayang problema sa akin ng lalaking ito? Palagi nalang siyang masama kung tumingin.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now