Chapter 20

25 13 0
                                    

Chapter 20

Nakipagfist bomb ako sakanya sabay gulo sa nakastyle niyang buhok. Ang batang ito parang hindi ko na makilala dahil sa bagong porma niya at sa biglaang pamamayat niya. Ibang iba na siya ngayon, mas lalong gumwapo at medyo lumaki ang pangangatawan halatang consistent sa pagpupunta sa gym.

Tawang tawa siya nang tinignan ko lang siya nang hindi makapaniwala. Ikinaway pa niya ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Pumayat ka Gio, gwapo mong bata."

Napatawa siya. " Eh? Magkamukhang magkamukha lang naman tayo mas gwapo ka nga sa akin at mas may appeal alam mo bang lahat na ata ng nasa department namin na babae ikaw ang bukambibig?"

Hindi makapaniwalang itinuro ko ang sarili ko. Pinag-ekis ko ang aking daliri sa harap niya, natawa ako nang ipinagpilitan niya ang sinabi niya sa akin para lang maniwala ako.

"Ordinaryong estudyante lang ako, Gio. Ikaw ata ang pinagkakaguluhan nila at medyo sikat ka dito hindi ba?"

"Totoo nga! Kaso nga lang ang sabi nung mga babaeng nasa department namin eh mukhang taken ka naman ata kasi lagi ka daw may kasamang babae sa library." Itinaas baba niya ang kanyang kilay saka bumulong.

"Nakita ko din kayo kanina magkahawak ang kamay. Pano ba yan? May proof pa nga ako"

Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at tama nga siya proof siya kinunan niya kami ng litrato ni Emory kanina. Sa litrato nakangiti ng malapad si Emory habang ako naman ay natitig lang sakanya na para bang nasisiyahan ako sa mga ngiti niya.

Napaubo ako at inilayo sakanya ang cellphone saka binura ang litrato.

"Gio, wag na wag mo yan ipakita sa iba at baka kung ano pa ang isipin ng mga kaklase ko."

"Sige sabi mo eh."

"Maiba nga tayo kamusta ka na? Kayo ng mga magulang mo?"

Ang kanilang nakangiting Gio ay napalitan ang ekspresyon ng mukha at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Malungkot na malungkot ang pagmumukha niya na para bang may problema sa bahay. Inakbayan ko siya.

"Ano may problema ba? Sabihin mo sa akin patungkol ba ito sa tuition mo? O di kaya sa gamot mo?"

"Hindi naman sa ganun...pero kasi si Papa simula nung umalis ka sa bahay parang hindi na siya makausap. Ikaw palagi ang bukambibig niya kung kamusta ka na daw sa pinag-stayan mo ngayon, kung nakakain ka ba ng maayos."

"Ganun ba? Pakisabi naman kay Tiyo na nasa maayos akong kalagayan. Nakakain naman akong tatlong beses sa isang araw" pagsisinungaling ko.

"Pakisabi na rin na tatawag ako kapag may maitabi akong pera na pang load. "

"Hindi ba pwedeng bumalik ka sa bahay Kio? Kakausapin ko si mama. Sinabihan ko na siya na wala kang kasalanan nung araw na isinugod ako sa ospital at nasa eskwelahan ka nun para sa assignment niyo."

"Gio, salamat pero mas mabuti nang mamuhay ako mag-isa nang sa ganun ay aayos ulit ang buhay ninyo. Wag kang mag-aalala dadalawin pa rin kita sa department ninyo, aayain kitang maglaro o di kaya'y kumain sa labas. Sisiguraduhin kong hindi magbabago ang relasyon nating magpinsan."

"Pangako?"

"Pangako."

Wala na siyang nagawa kundi ay malungkot na tumango sa akin. Hinagod ko ang kanyang likuran upang pagaanin ang kanyang pakiramdam.

Alas kwatro ng hapon nang matapos sila Eva sa pagpapraktis. Nauna na ang mga kaklase niyang umuwi sa amin nagbihis pa kasi si Eva sa cr ng extrang damit na dala niya dahil basang basa ang t-shirt na sinuot niya kanina dahil sa pawis. Si Gio naman ay itinigil ang paglalaro ng basketball nang malaman niyang papaalis na kami. Basta talaga kasama si Eva kahit pa ang pinakamamahal niyang laro ay kaya niyang tigilan kahit na naiinis ang mga kalaro niya sa ginawa niya.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon