Chapter 17

35 11 1
                                    

Chapter 17

The world is too cruel for people like me. Life is so stressful hindi ko alam kung makakaya ko pa ba sa susunod na araw, buwan o taon.

Sa pagdaan ng mga araw nakalabas rin kaagad si Gio sa ospital masaya ako para sakanya.  I wished that he could live longer because he deserves it. He's a good son.  Yun lang lang ang huling balita ko sakanya matapos akong umalis sa bahay nila at humingi ng permiso kina Tiyo na gusto kong mamuhay mag-isa.

Nung una ayaw ni Tiyo akong mapalayo sakanila pero kalaunan rin ay naiintindihan niya ako. Naroon ang awa sa kanyang mga mata nang pagmasdan niya ang papaalis na tricycle na sinaktan ko. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya at pagkaway niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ay mag-iwas na lamang ng tingin.

Naghanap ako ng matitirhan malayo kina Tiyo pero sinigurado ko namang medyo malapit lang sa unibersidad nakahanap naman kaagad ako sa halagang tatlong libo , hindi gaanong malaki ang inuupahan ko pero tamang tama naman para sa isang tao. Sina Domeng, Openg , at Rio naman ay binisita nang malaman nila ang nangyari. Medyo nagtampo pa ang tatlo at hindi ko kaagad nasabihan nalaman lang nila nang bumisita sila sa bahay at sinabihan ni Gio.

"Sigurado ka bang kakayanin mong mamuhay mag-isa?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rio.

"Oo naman matanda na ako nakakahiya kung magtatagal pa ako doon. Ayokong maging pabigat sa totoo lang. Mas mabuti na rin toh. "

"Hindi ka naman pabigat doon sa bahay ni Tiya Merin di ba nga ikaw ang sumalo sa lahat ng gastusin nila doon? Napakaheartless naman yang si Tiya Merin mo ang suplada suplada pa."

"Ano ba naman kayo Tiya ko yun wag niyong pagsalitaan ng ganyan."

"Pasensya ka na dito sa bibig ni Domeng papaluin ko toh mamaya pag-uwi sa amin" saka pabirong inambahan ng suntok ni Openg si Domeng.

Napatigil naman ako sa pagtiklop ng aking mga damit nang tanungin ako ulit ni Rio. Kapwa napatingin silang tatlo sa akin nag-aantay ng sagot ko.

"Pano si Eva?"

I sighed." Magkikita kami mamaya may sasabihin daw siya sa akin. Sasabihin ko na din sakanya na umalis ako doon sa amin maiintindihan naman niya."

"Si Emory?"

"Pambihira dalawa pala tinira ni Kio--" tinakpan ni Domeng ang bibig ni Openg.

"Tumahimik ka na muna tangina mo nakikitsismis ako."

"What about her?"

"Wala, naisip ko lang di ba't kaibigan mo rin yun?"

"Classmates lang kami, Rio at magkatrabaho yun lang yun. "

Hindi na niya ako kinulit pa. Hindi sila nagtagal sa boarding house umuwi sila kaagad lalo na't may trabaho pa silang dapat tapusin. Pagkatapos nilang umalis ay ako naman ay nagbihis na para kitain si Eva. Naitext na niya sa akin kung saan kami dapat magkita mabuti nalang at medyo malapit lang dahil hindi na kakayanin ng budget ko kapag malayo at kakailanganing sumakay pa ng tricycle, jeep o kahit motor. Nilakad ko lang papunta sa lugar kung saan niya ako iaantay.

Pagtingin ko sa relo ko ay late na pala ako ng sampung minuto kaya tumakbo nalang ako. Sa di kalayuan sa entrance ng park ay namataan ko si Eva masayang nanonood sa mga batang naglalaro sa harap niya. Nakasuot siya ng puting bestida na bagay na bagay sakanya, nakalugay ang kanyang buhok at sa likod nito ay may ribbon pang nakaipit. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at itinapat sakanya saka siya kinunan ng litrato.

Napangiti ako nang tignan ko ang litratong kuha. Nakatagilid siya at nakangiti sa litrato lumilitaw ang ganda niya. Magandang maganda talaga siya kahit nung bata pa mas lalo nga lang gumanda ngayong dalaga na. Maya maya pa ay napalingon siya sa gawi ko at kumaway tumayo siya at sinenyasan akong lumapit. Tumikhim ako at kinalma ang sarili bigla akong kinabahan sa suot ko simple lang kasi nakakahiya sakanya.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon