Chapter 48

26 11 0
                                    

Chapter 48

"Kio? nice name! My name is Serenity, you can call me Sei for short. Sorry nga  pala kanina sa nagawa ko hindi ko alam na nasa likuran pala kita. I could've avoided it to happen kung mas naging maingat lang ako."

"Okay lang wag mo na isipin yun ang mahalaga hindi ka napano. At isa pa alam ko namang hindi mo sinasadya yun kung ako ang nasa posisyon mo kanina ganun rin ang gagawin ko."

Natawa siya. "Can I treat you some snacks or some ice cream if it's okay? Pambawi ko nalang sana sa nagawa ko kanina."

"Umm..kasi papunta na akong hotel para magpahinga kagagaling ko lang kasi sa biyahe."

"Really? Parehas pala tayo kakadating ko lang din kanina saang hotel ka ba magstay?"

"Sa RB hotel medyo malayo layo dito pero malalakad lang naman."

Papalabas na kami ng fast food nagpatuloy ang pag-uusap namin. Tila naging kumportable kami kaagad sa isa't isa. Ngayon lang ata nangyari sa akin ito hindi ko na matandaan.

"Same pala tayo eh! Sige na samahan mo nalang ako may Korean store naman pabalik doon may hotel eh may bibilhin rin ako. Please?"

"Okay."

At nilibre na nga niya ako ng ice cream at mga chichirya kumain kaming dalawa sa labas ng store sa upuan na nakadisplay lang din sa labas. Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa nalaman ko sakanya na magi-isa rin pala siya dito sa Tagaytay. Nang tanungin ko naman siya kung bakit ay sinabi niya sa akin na gusto niya lang mapag-isa at lumayo layo muna sa mga problema.

Narealize ko kahit gaano palang pera ang hawak ng isa tao o gaano man kayaman ang isang tao nakakaranas din sila ng mga mabibigat na problema. Inaya ko siya kung pwede samahan na niya ako sa paggala dito sa Tagaytay kesa naman sa magmukmok siya doon sa hotel. Nakakaawa naman. Hanggang sa malapit nang gumabi ay bumalik na kaming pareho sa hotel rooms.

Sumampa agad ako sa kama at chineck ang nakacharge kong cellphone. Nalungkot ako nung mapansin kong hindi pa rin nakakapagreply sa akin si Emory. Nasa eroplano pa rin kaya sila? Hanggang sa hindi ko nalang namalayan sa kakahintay ay nakatulog na ako ng mahimbing sa kama.

Dumaan na ang tatlong araw ay wala pa rin akong natatanggap na tawag o text kay Emory medyo nag-aalala na ako. Naitanong ko na kina Jane kahapon nung bumisita ako kung kinontak ba sila ni Emory simula nang umalis sila ng pamilya niya pero hindi daw.

Ano kaya ang nangyari at hindi niya ako tinawagan man lang. Ang bilin ko pa naman sakanya ay ipaalam niya sa akin kapag nasa Cebu na sila ng pamilya niya. Sa aking pag-alala ay sinabi naman ni Nathalie na baka nawalan ng signal si Emory doon o di kaya'y nasira ang cellphone. Kung sakali mang nasira o kung anong nangyari sa cellphone niya pupwede naman siya sigurong gumamit ng ibang cellphone para kontakin ako at ipaalam sa akin na okay lang sila.

Para maibsan ang aking pag-aalala ay nagpunta ako sa isang dagat malapit lang sa hotel. Malakas na malakas ang hangin nang maupo ako rinig na rinig ko din naman ang ingay nang malalakas na alon ng dagat. Hindi gaanong kadami ang mga tao sa paligid ko kaya naman ay relax na relax ako habang umiinom ng alak at nakatingin sa karagatan na may malalim ang iniisip.

Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng ilang litrato at isend ito kay Emory. Sa dalawang araw na lumipas tinadtad ko siya ng mga mensahe at mga litrato na kuha ko dito sa Tagaytay nagbabasakaling rereplyan na niya ako kapag nakita niya kung gaano kaganda at kasaya dito.

"Nakikita mo ba yan? Ang lawak lawak ng karagatan ano? Ang ganda ganda pa ng kulay ng kalangitan parang kulay kahel at may mga ibon pang nagliliparan sa itaas. Kamusta ka kaya diyan sa Cebu? Nakakagala ka kaya diyan at nakakain ng masarap? Sana masaya ka diyan kasama ang pamilya mo. Namiss kita ng sobra. Reply ka naman oh." Wika ko habang inilibot libot ang nakarecord na cellphone sa paligid.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now