Chapter 37

22 13 0
                                    

Chapter 37

Magkahawak kamay kaming pumasok sa classroom lahat ng mga kaklase namin ay napatingin sa aming dalawa habang ang mga mata ay nasa kamay na namin pareho. Yumuko siya tila ba nahihiya sa dami ng nakatingin sa amin hinila ko na lamang siya papunta sa inuupuan naming dalawa.

Napuno ng bulong bulungan ang paligid at nagsimula na naman kaming tuksuin. Mayamaya pa ay pumasok sa room sina Nathalie hinihingal kaming nilapitan napatingin din sila sa kamay naming dalawa na ngayon ay magkahawak pa rin. Kapwa kami nag-iwas ng tingin, namumula na ang tenga ko.

Nanlaki ang mata ni Jane at patalon talon na sumigaw. Habang si Nathalie at James naman ay nagtinginan animo'y gulat na gulat na rin sa nakikita.

"Maupo na nga kayo diyan! Ano ba wag niyo kaming tignan ng ganyan. Ang kukulit talaga" saway ni Emory sakanila pero hindi sila nakinig.

Bagkus ay pabirong pinikot ni Nathalie ang tenga ko sinubukan naman siyang pigilan ni Emory.

"Anong naisip mo at pinatulan mo ang babaeng mangkukulam na ito?" madamdaming wika niya sabay turo kay Emory.

"Gaga ka! Ipinagdasal ko lang yan sa loob ng limang buwan di ko yan kinulam ano."

Tawang tawa kami pareho ni James sa ganti niya. Napaupo na ang tatlo sa kani-kanilang mga silya at nilingon kami ulit.

"Kayo na?" palipat lipat ang tingin ni Jane sa amin at bago pa man niya masagot ang tanong ay inunahan ko na siya.

"Kami na."

"Really?! Ohmyghad! Paano ka niya sinagot?"

Napangiti ako nang maalala ko ang ginawa niya.

"Secret nalang siguro iyon. Basta kami na." Sabi ko nalang.

Siya naman itong pulang pula ang mukha ngayon at nag-iwas ng tingin nang lumakas na naman muli ang panunukso ng iba sa amin nang marinig ang sinabi ko.

Pabirong hinampas ni Jane sa Nathalie sa gilid niya habang kinikilig.

"Nasa seatmate pala ang true love baka tayo beh?"

Nandidiring lumayo si Nathalie kay Jane habang pinag-ekis ang mga daliri.

"Arte nito!"

Dating gawi sa library tumambay nung mag break time kami. Nasa iisang table lang ang tatlo habang kami ni Emory ay nasa kabilang table malapit sa may bintana ng library kung saan hindi kami masyadong kita. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang binabasa niya ang hiniram na libro ako nama'y nagbabasa rin habang ang kanang kamay ay nakapalibot sa bewang niya. Kung titignan ang posisyon namin sa malayo hindi mahahalata na nakayakap ang isang braso ko sa kanya ganun rin kung lalapitan kami.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa namin ay bigla nalang may isinubo siya sa aking pagkain. Nagtatakang napatingin ako sakanya nakangiti namang itinuro niya ang pagkaing hawak niya sa ilalim ng mesa. Kalaunan ay napatampal ako sa aking noo. Nagdala pala siya ng pagkain kahit alam naman niyang ipinagbabawal ang pagkain dito sa loob ng library. Paniguradong macoconfiscate ang ID namin pareho kapag nahuli kami ng mga working students o di kaya ng librarian.

Mariin akong umiling nang akmang susubuan na naman niya ako. Kaya naman ay itinabon niya ang librong hawak sa amin at inilapit naman niya ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman kong tumatama ang hininga niya sa mukha ko.

"No..."pagbabanta ko nang ilagay niya ang kalahati ng pagkain sa bibig at sinenyasan akong kagatin iyon habang nasa bibig niya.

Mabilis kong hinawakan ang libro nang bigla niyang bitawan ito at saka hinawakan ang mukha ko papalapit sakanya. Wala na akong nagawa kundi ay kagatin ang pagkain pagkatapos ay ninakawan ako ng halik sa labi sabay layo sa akin na nagpipigil ng tawa.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon