Chapter 15

35 11 1
                                    

Chapter 15

"Anong pinag-uusapan niyo kanina?" tanong niya nang makalabas kami sa Surplus.

"Tsismosa ka talaga amin nalang iyon. Patingin nga ng binili mo."

Kaagad niyang inilayo sa akin ang plastic na hawak niya. Nauna pa siyang naglakad sa akin , she stamped her feet. Natawa ako ng palihim sa ginawa niya saka siya inakbayan at ginulo ang buhok.

"Napakamatampuhin naman nito" sabi ko at saka naman pinanggigilan  ang pisngi niya.

Napangiwi siya at napasigaw sa sakit. Tawa tawang napalayo ako at umilag sa mga pinapatamang suntok niya sa akin.

"Nagbago ka na Sungit kayang kaya mo na akong saktan ngayon lumalaban ka na sa akin."

"Kulang pa nga yan sa ginawa mong pagtulak sa akin noon sa parking lot. Alam mo bang masakit na masakit ang balikat ko dahil dun?"

"Ay wala akong naaalala patungkol dun may ebidensya ka ba?" inilahad niya ang kamay niya sa harap at nang hindi ako nakasagot ay binelatan niya ako.

Hindi ko na muna siya pinansin sapagkat nakuha na ng aking atensyon ang isang batang lalaki kasa-kasama ang isang matandang lalaki. Huminto ang dalawa sa gilid ng Jollibee at ang bata naman ay panay ang tingin sa mga taong nasa loob habang ang tatay ay malungkot na nakaupo sa gilid at humihingi ng barya barya sa kada taong dumadaan.

Kapwa kami napatigil ni Emory pareho. Para bang nalukot ang puso ko habang tinitignan silang dalawa. Naaalala ko ang sarili ko sa bata ganyan na ganyan ako noon sa tuwing iniiwan ako ng tatay ko sa bahay kapag magsusugal siya o di kaya'y makikipag-inuman sa labas kasama ang mga kaibigan niya. Ni walang pagkain, bigas o tubig ang ibinibigay sa akin hinahayaan lang ako na gawin ang gusto ko hangga't sa nakakakain ako ng pagkain.

Naranasan ko nang manlimos sa daan, manghingi ng pagkain, masigawan at maipagtabuyan. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala ko sa nakaraan. Mahirap ang buhay, parang ako lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko at sa papa ko. Maaga akong namulat sa mga problema kaya ganun nalang ang pagpupursige kong mapag-aral ang sarili dahil ayoko nang nakikita ang sarili kong kaawa awa at pinandidirihan ng ilan.

Hindi na ako nakatiis iniwan ko na muna sa labas si Emory at bumili ng pagkain. Pagkatapos ay inabot ko sa bata nung una ay nagtatakang tinignan niya ang nakalahad na pagkain at animo'y nahihiyang tumanggap. Kinuha ko ang kanyang kamay at inabot uli sakanya sa pagkakataong ito ay tinanggap niya at todo pasasalamat naman ang tatay nito sa akin. Marahan kong hinaplos ang pisngi ng bata.

"Magpakabusog kayo ng tatay mo ah? Kung may kapatid ka tirhan mo medyo marami rami ang inorder ko para sa inyo yan."

"Kuya maraming salamat po."

"Oh eto bata tubig uminom kayo nito pagkatapos niyong kumain at baka mabulunan pa kayo" inabot ni Emory ang tubig sa bata at sa matanda.

Akmang aalis naman kami nang magtanong ang bata na siya namang ikinangiti ni Emory nang malapad.

"Magjowa po ba kayo?"

"Ay nako itong bata talaga, soon." Pabirong pinanggigilan ni Emory ang pisngi ng bata.

"Soon? Ano po yun?"

"Hindi ang meaning nun. Halika na nga Emory pagpasensyahan mo na bata ah? May saltik kasi siya sa ulo at kung ano ano nalang pinagsasabi."

"Wow grabe ka magsalita ah!"

"Bagay na bagay po kayo isang matino at isang baliw."

"Ang sakit mo naman bata!"


Nasa library kaming limang magkakaibigan gawa ng case study na binigay sa amin ng prof namin kahapon. Sakto namang hindi papasok ang mga prof namin sa afternoon class kaya nagtambay muna kami dito sa library para magbrain storm. Malapit kaming nakaupo sa may entrance ng silid aralan.

Breathless (UNEDITED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin