Chapter 22

32 12 0
                                    

Chapter 22

Nasa mall kaming pareho ni Gio nagpatulong siya sa paghahanap ng regalo kay Eva bukod sa bulaklak at tsokolate. Napadaan kami sa isang store sa tabi ng penshoppe umangaw sa aming tingin ang nagagandahang mga bestidang pambabae. Usong uso iyon sa mga kabataang babae halos lahat ata ng nakikita ko sa daan ganun ang isinusuot. Napansin ni Gio na napatigil ako sa harap ng store kaya naman ay hinila niya ako sa loob.

Nilapitan kami ng sales lady nang nakangiti at agad kaming tinanong kung ano ang hanap namin sa store nila. Hindi kami kaagad nakasagot ni Gio nagkatinginan kaming pareho lalo na't base sa pagmumukha ng babae at sa tanong ng babae ay akala niyang bakla kaming pareho. Nagpipigil ng tawang nag-iwas siya ng tingin sa babae at hinampas ng mahina ang balikat ko.

Palipat lipat ang tingin ng babae sa amin at nang mapagtanto niya kung bakit kami ay nanatiling tahimik at nagsi-iwas ng tingin napatakip siya ng mukha sa hiya at humingi ng pasensya.

"Pasensya na po mga sir, para po ba sa kapatid ninyong?"

"Hindi po."

"Para po sa soon to be girlfriend" confident na confident na wika ni Gio.

"Ah ganun ho ba sir? Kung ganun pwede po kayong maglibot libot muna para makapagpili kayo ng maayos at kapag mahirapan kayo sa pagpili tawagin niyo po ako."

"Sige po, maraming salamat."

Naglibot libot kami napunta kami sa may pinakadulo. Naroon kami sa mga bestidang kulay rosas, isa iyon sa kulay na gusto ni Eva bukod sa kulay na kahel. Kinuha ni Gio ang isang bestida na may design na mga bulaklak ipinakita niya ito sa akin. Umiling ako nang mapansin kong masyadong mahaba ang hiwa sa gitna sa bandang dibdib ng dress. Paniguradong hindi magustuhan ni Eva ang ganyang mga klase ng damit lalo na't medyo conservative siya at pa minsan minsan lang nagpapakita ng sobrang balat.

Sumang-ayon rin naman kaagad siya sa akin at nagpatuloy sa paghahanap. Makalipas ang isang oras ay nakapili rin si Gio ng ireregalo niya kay Eva simple lang ito pero tiyak namang maganda ang quality ng damit at maganda pa ang disenyo. Parang korean dress ang style nung damit tamang tama dahil mahihilig magsusuot si Eva ng mga ganoong damit.

Nasa cashier na si Gio, nanatili naman ako sa isang sulok tumitingin sa ibang mga bestida hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang purple na bestida. Magandang maganda ang damit at mahabang mahaba. Sa di malamang dahilan binili ko ang damit saka ko lang napagtanto na nabili ko na ito nang makalabas ako sa store at taka takang nilapitan ako ni Gio.

"Oh? May nililigawan ka rin?"

"Wala, wala..."

"Ah ganun edi para kay Emory iyan? Tamang tama ang pagkakapili mo diyan pinsan bagay na bagay sakanya. Subukan mong i-imagine..."

Tama nga siya este hindi.

Ano nga ba ang nangyayari sa iyo Kio? Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin maalis sa isipan mo ang imahe ni Emory.

Hindi kaya ako ginayuma ng babaeng yun? Impossible. Wala yung gusto sa akin at isa pa kahit na may saltik yun sa ulo hinding hindi naman niya siguro magagawa ang iniisip ko.

Mabilis na mabilis lang ang panahon at intrams na ng school namin for one week. Matinding pagpapapraktis ang ginawa namin bago pa man ang intrams. Minsan nga ay hindi ako nakakatulog ng maayos at kadalasan sa trabaho ako nakakaidlip ganun rin si Emory yun nga lang ay nakakapagkaroon naman siya ng oras sa pagpapasyal sa iba't ibang lugar kasama ang crush na crush niyang si Lemuel.

Nakita ko sa Facebook niya panay ang post niya ng mga picture nilang dalawa. Hindi ko alam kung paano naging malapit sa isa't isa ang dalawa parang kahapon lang nung hanggang tingin lang si Emory sa crush niya pero ngayon palagi na niya kasama. Nakalimutan na niya ata kaming mga kaibigan niya sa classroom dahil minsan rin ay hindi na siya sumasama sa amin sa pag-aaral o pagrereview sa library bumaba pa naman grades niya sa major subjects dahil sa kakagala.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now