Chapter 50

36 14 8
                                    

Chapter 50

Natahimik siya sa naging tanong ko. Hindi na nga niya ako sinagot bagkus ay malakas niya akong itinulak nang itinulak hanggang sa mapalabas na ako ng bahay. Pinigilan ko naman siya nang akmang sasaraduhan niya ako ng pinto mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at inilagay ito sa bandang dibdib ko.

"Ikaw lang ang babaeng mahal ko so I'm begging you let's start over again."

Umiling siya at hinila ang kanyang kamay paalis sa dibdib ko.

"No. Hindi na mababago ang isip ko. We're over, Kio maaari mo na akong iwan at magpatuloy sa buhay mo. Kalimutan mo na ako." Halos pabulong na niyang sabi, her voice cracked.

"I'm sorry but I can't be with you anymore. Things are complicated." She added.

Napaluhod na ako at hinawakang maagi ang mga binti niya. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang maibalik ang dating kami. I'm willing to do anything and I hope she knows that.

"Please, maghahanap ako ng magandang trabaho. Ibibigay ko ang lahat ng mga bagay bagay na magpapasaya sayo. Mag-iipon ako para makabili ng mas malaking bahay at magpapakasal tayo. Gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang buhay natin sa hinaharap"umiiyak kong saad sabay higpit ng pagkakahawak ng binti niya sinubukan niya naman akong itayo.

"Sa hinaharap Kio? Hanggang kailan ako maghihintay para maging maayos lang ang buhay nating dalawa? Halos malunod na tayo sa kakautang mabuhay lang sa tingin mo ba'y kakayanin pa natin?"

Tumayo na ako at hinawakang maigi ang mukha niya at hinalikan siya sa kanyang labi.

"Basta't mahal natin ang isa't isa malalagpasan natin ang lahat--"

"Mahal?" she whispered.

"Bakit?"

"Makakain ba yang pagmamahal na yan Kio? Gaganda ba talaga ang buhay natin pareho?"

Natigilan ako. "What happened to you?"

"Naging wais lang ako. Bakit ba? Totoo naman ang sinasabi ko. Gusto mo ng rason hindi ba? Edi eto na yun ayoko na....kasi ayokong masira lang ang buhay natin pareho. I'm doing this for us, Kio."

"For us? If you're doing this for us then why are we hurting each other?"

"Kio...parang awa mo na let me go." She begged.

"May iba ka ba?--"

Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at saka na naman ako sinubukang itulak palayo. Nasasaktan ako sa ginagawa niya dahil dun ay lumaki ang hinala kong may iba na nga siya.

"Tell me please..." my voice began to crack. "You're hurting me."

Ipinikit kong mariin ang mga mata ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko nang màkita ko ang pagtango niya. Doon na tuluyang nawasak ang puso ko lalo na't ramdam na ramdam ko na hindi siya nagsisinungaling sa akin.

Animo'y walang lumabas na salita sa bibig ko. Wala akong masabi nakatingin lang ako sakanya, hindi pa makapaniwala. Sa loob loob ko ay umaasa akong babawiin niya iyon. Umaasa akong mali nga ang nakita ko. Umaasa akong panaginip lang ang lahat ng toh.

Tuluyan na nga ba talagang nagbago? Hindi ko matanggap. May kulang pa ba sa akin? Hindi ba ako sapat?

"Bakit mo nagawa sa akin toh? Napagod ka ba? Nasaktan ba kita?"

"Oo, napagod ako. Tao ako Kio may mapapangailangan hindi ko kayang hayaan nalang ang pamilya ko na maghirap habang buhay. May mga kapatid akong kinakailangan kong mapag-aral sa isang magandang eskwelahan. Si mama kailangan ko pang maipagamot." Hinawakan niyang mabuti ang kamay ko.

Breathless (UNEDITED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat