Chapter 49

26 12 0
                                    

Chapter 49

"Kio? Jusko anong nangyayari sayo?!" gulat na gulat na wika ni Eva nang makapasok sila ni Gio sa bahay.

Nagkalat ang napakadaming bote ng alak sa bahay. Maggulong magulo na ang mga gamit ko sa loob at sinubukan naman ni Eva na alisin ang lahat ng kalat at naglinis. Habang si Gio naman ay nakatingin sa akin na para bang naaawa na sa kalagayan ko.

Nilapitan niya ako at niyakap naiyak na rin siya sa sitwasyon ko. Si Eva naman na nakatingin sa habang naglilinis ay napaiyak na rin at kalaunan ay nag-iwas na ng tingin sa akin.

"Anong nangyari pinsan?"

Ngumiti ako ng mapait habang paulit ulit na umiiling.

"Si Emory...sa tingin ko ay iniwan na niya ako. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala man lang siyang text o tawag na ginawa sa akin."

"Ano? Bakit nasaan ba siya ngayon?"

"Matagal na silang nasa Cebu pinsan tapos nangako siya sa akin na tatawagan niya ako pero hindi niya ginawa. Ilang araw na akong pabalik balik sakanila umaasa na makikita ko siyang muli pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya."

"Baka naman ay babalik pa siya Kio b-baka hindi ka lang talaga niya makontak." Sumabat na si Eva at umupo sa tabi ni Gio saka naman hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"Hindi ko alam...pero iba talaga ang kutob ko. Paano nga kung hindi siya bumalik? Paano kung ayaw na niya sa akin? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkakatotoo nga ang iniisip ko. Paano ako? Hindi ko kakayanin." Mas lalong lumakas ang iyak ko wala na akong pakialam kung magmukha man akong baliw o tanga sa harapan nila.

Yinakap na ako ng dalawa nang mahigpit.

"Wag mong isipin yan Kio dadating din siya okay? Siguro naman may rason si Emory kung bakit hanggang ngayon ay wala pa din siya. Ang kailangan mo ngayon ay magpalakas."

"P-para na akong mababaliw tulungan niyo naman ako oh..."pagmamakaawa ko.

"Maniwala ka gustong gusto ka namin tulungan pero kasi maging kami ay hindi rin namin siya makontak. Gayunpaman ay wag kang mawalan ng pag-asa."

"Sumama ka na muna sa amin Kio sa bahay nang mabantayan ka namin mahirap na at baka kung ano ang gawin mo."

At dinala nga nila ako sa bahay nila Tiyo at Tiya. Maging sila ay nagulat nang makita nila ang kaibahan sa itsura at pangangatawan ko. Wala sila ni isang sinabi sa akin bagkus ay yinakap akong mahigpit ni Tiyo at hinaplos haplos ang ulo ko at napaiyak na rin. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang katawan ko. Animo'y napagod na ako sa kakaiyak at kakaasa.

Lumipas ang ilang mga buwan ganun pa rin bigo pa rin akong natatanggap na balita patungkol sakanila ng pamilya niya. Sa loob ng mga buwan na yun ay walang araw na hindi ako naghintay sa labas ng bahay nila. Nag-iiwan ako ng sulat at bulaklak sa tuwing napapadalaw ako. Nagpatuloy ako sa pag-aaral kahit na masamang masama ang pakiramdam ko at wala akong gana.

Naging tahimik ako sa klase, wala na akong nilalapitan pa maging sina Nathalie, Jane, James at iba pang mga kakilala ko. Inilayo ko na muna ang sarili ko sakanila dahil sa gusto kong mapag-isa na muna. Minsan dinadalaw nila ako sa bahay nila Tiyo kinakamusta ako kahit na sinabihan ko na sila na hindi na kailangan pang bisitahin ako. Samantala sina Eva at Gio naman ay hindi sila lumayo sa akin kahit na gusto kong mapag-isa ay sinasamahan pa rin ako ng dalawa.

Hindi nila ako pinabayaan. Inintindi nila akong mabuti kahit na minsan ay napagsasalitaan ko na sila ng masasama. Kahit na tinataboy ko na silang lahat ay hindi sila nagalit sa akin. Nakaramdam ako ng pagkaguilty sa mga ginawa ko sakanila. Pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now