Chapter 47

23 11 0
                                    

Chapter 47

Iwinakli ko ang kamay niya nang akmang hahawakan niya ako sa may braso. Napabuntong hininga siya at tumango sabay kuha ng emergency kit na at muling umupo.  Tinuro niya ang braso ko na hindi ko namalayan ay mayroon palang sugat. Hindi ko maalala kung paano ako nagkaroon ng sugat sa braso.

Nang hindi ko inalapit ang aking braso ay hinila na niya ito at sinimulan gamutin. Naging tahimik na kami pareho, inihilig ko na lamang ang ulo sa sopa at tumitig sa ilaw. Medyo napapangiwi ako nang idiin niya ang hawak na cotton sa sugat ko. Hanggang sa matapos siya sa paggamot sa braso ko ay hindi na siya nagsalita. Bumalik siya sa pagkakaupo sa gilid ko at tumitig nalang din sa ilaw.

Walang nagsalita sa amin sa loob ng isang oras ipinikit ko naman ang mata ko habang sinusubukan matulog pero hindi naman ako makatulog dahil sa nag-aalala ako na galit siya sa akin. Idinilat ko ang mata ko at tinignan kung tulog na ba siya nang tignan ko siya ay nakapikit na ang kanyang mga mata habang ang mga luha ay patuloy na umaagos patungo sa pisngi niya.

Nagtaas baba ang kanyang mga balikat at tinakpan ang bibig upang pigilan ang sarili na makagawa ng ingay. Doon na ako nakaramdam na parang winasak ang puso ko habang nakikita siyang umiyak. Umusog ako malapit sakanya at pinunasan ang mga luha niya. Hinaplos ko ang mukha at ginawaran siya ng halik sa pisngi.

"I'm sorry." I whispered in her ears.

"No, don't say that. It's not your fault." Umiiling niyang wika habang nakapikit pa rin ang mga mata at tinalikuran ako. Yumakap na ako sakanya at inayos ang ilang hibla ng kanyang buhok papaalis sa kanyang mukha.

"I'm sorry I made you cry. I'm sorry for raising my voice on you. Marami lang talaga akong iniisip ngayon nadala na din ako ng emosyon ko. Siguro nga ay tama si Noel lasing na nga ako at pinapalaki ko ang bagay na yun." Malungkot na wika ko at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay napagpatuloy sa paghikbi at sa pagkakataong ito ay hinayaan na niya ang sarili na gumawa ng ingay. Nasasaktan ako sa bawat hikbi niya nasaktan ko siya ng lubos sa inasta ko kanina. Nagawa ko pa siyang idamay kahit na wala naman siyang ginawa kundi isipin ang nakakabuti sa akin.

"Tahan na...pasensya ka na sa nagawa ko. Alam kong mali yun at ipinapangako ko sayo na hindi na yun mauulit pa."

"Wag kang humingi ng pasensya sa akin dahil kung tutuusin ako ang may kasalanan kung bakit nangyari yan sayo. Kung hindi kita pinilit na maglaro kasali sila hindi sana mangyayari yan."

Humarap siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit pabalik habang umiiyak pa rin.

"Nahihiya ako sa ginawa ng kaibigan kong si Noel hayaan mo at kakausapin ko siya bukas na bukas. Mali ang ginawa niya." Dagdag pa niya, hinagod hagod ko ang kanyang likuran.

"Wala kang kasalanan okay? Ako ang may kasalanan kasi nagpadala ako sa init ng ulo ko. Pasensya na marami rin kasi akong iniisip at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi mo na siya kailangan pa kausapin para sa akin hayaan mo nalang siya ayoko nang gulo at baka kayo pa ang magkaaway away. Ayokong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa."

Napatigil muna ako bago ulit nagsalita. "Gaya ng ginawa mo sa amin ni Eva noon."

"Thank you, Kio."

"Hayaan mo at babawi ako sayo." Hinawakan ko ang mukha niya at ginawaran na naman siya ng halik sa noo.

"Sumama ka sa akin sa Tagaytay doon tayo magbakasyon na muna tutal wala naman tayong pasok sa susunod na linggo. Ipapasyal kita doon may sapat akong ipon tamang tama para sa ating dalawa."

Umiling siya sa akin. " Hindi pwede Kio. Hindi ako makakasama sayo sa Tagaytay pasensya na."

"Bakit? Ayaw mo ba doon kung gusto mo pumunta tayo sa ibang lugar kung saan mo gusto.--"

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now