Chapter 6

102 13 1
                                    

Chapter 6

"Even we are not a child anymore if we must cry then let our tears stream down our faces. But don't lose control of yourself , don't get your emotions bottled up within you. Don't faked everything but rather show what you really feel and you'll realize there's people out there who will understand you and help you get through it"

Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang maramdaman kong nakasilip na pala sa aking likuran so Gio. Kaagad na sumilay sa kanyang labi ang mapanuksong ngiti at nakapamulsang umupo sa harap ko.

Papunta na kaming school dahil ngayong araw magsisimula ang klase at mamayang ala sais naman ang pasok ko sa trabaho. Napapailing na iniligpit ko ang aking mga gamit at mabilis na iniligay iyon sa aking bag.

Narinig ko pa siyang sumipol habang tinapik tapik ang binti niya . Sa inis ko ay pabirong ibinato ko siya ng nilukot na papel at kanya naman itong sinubukang iwasan pero huli na siya at tumama iyon sa kanyang mukha. Pareho kaming napabulwak ng tawa at kinuha naman niya ang unan sa gilid niya at ibinato rin sa aking direksyon pero kaagad din natigil nang sabay na lumabas sina Tiyo at Tiya sa kanilang kwarto.

Napailing na lamang si Tiyo at nagtimpla ng kanyang paboritong kape habang si Tiya naman ay inayos ang gusot na polo ni Gio at maging ang buhok niya. Palihim akong natawa nang makita ko ang pagkadisgusto ko ni Gio sa nakastyle niyang buhok. Para siyang may lampaso sa ulo napansin niya ako kaya mas lalo niyang iniwas ang ulo sa kanyang mama.

"Haynaku Gio! Parang nung nung nakaraang taon gustong gusto mo itong style na buhok mo tapos ayaw mo na?" himutok ni Tiya saka siya hinampas ng mahina sa balikat.

"Ang ganda kaya ng style ng buhok mo"

"Ma, malaki na ako nakakahiya sa mga kaklase ko mamaya at baka pagtawanan pa ako. Nakakatawa itsura ko..."

" Di naman Gio ang gwapo mo nga" panunukso ko pa na mas lalong ikinasimangot niya at sinamaan ako ng tingin.

Para kaming mga batang nag-aasaran. Mabuti nalang talaga at hindi kami pareho madaling mapikon.

"Tignan mo pati pinsan mo oh sang-ayon sa akin!"

Napaubo ako at nag-iwas ng tingin. Samantalang si Tiyo naman ay natatawa nalang sa gilid habang pahigop higop sa kanyang kape.

Lumapit ako sakanya at ibinigay ang tinapay na binili ko kanina at saka nagpaalam na aalis na kami ganun rin kay Tiya. Nung papalabas na kaming pareho ni Gio hinabol kami ni Tiya at binigyan ng allowance pinagalitan pa kaming pareho at baka mamaya kung saan saan namin gagastusin ang pera.

Ipinagbilin na rin niya sa akin si Gio na bantayan ko daw at isabay na sa pag-uwi. Hindi sumang-ayon si Gio dahil sa gusto niyang sumama sa kanyang mga kaibigan mamaya at isa pa magkaiba ang kurso namin. Nasa kabilang building kaming pareho at alas singko pa ako matatapos habang siya naman ay mamayang alas kwarto ng hapon. Pero dahil nagmamadali kami at ayaw tumigil ng mama niya kakasalita sumang-ayon nalang siya.

Sumabay na kami kay Eva pinasakay niya kami sa sasakyan nila tutal iisa lang naman ang unibersidad ang papasukan namin. Nang makarating din ay humiwalay si Eva sa amin dahil sa kinuha na siya ng mga kaklase niya.

"Bye Eva!" sigaw naming pareho ni Gio.

"Sige bye! Ingat kayo kitakits nalang mamaya ah!" Pabirong nagflying kiss pa siya na ikinatawa ko naman. Cute na cute niya magflying kiss eh.

Nang mapatingin naman ako kay Gio ay napansin ko kaagad ang pamumula ng pisngi niya. Asus. Halata sa pinsan kong toh may gusto kay Eva kaya lang minsan di sila nagkakasundo hilig niya kasing mang-away kaya ayun tuloy beastmode si Eva palagi sakanya.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now