Chapter 23

27 13 0
                                    

Chapter 23

Kinabukasan magkasama kami ni Gio sa likod ng building ng department nila. Hindi pa nagsisimula ang ibang events para sa Day 2 ng intrams. Nakaupo ako sa isang putol na malaking kahoy habang siya nama'y nasa harap ko nakaupo sa lupa na may hawak na gitara at nagsimulang kumanta.

Nang matapos siya ay naibaba ko na ang cellphone na itinutok ko sakanya kanina. Nahihiyang nagkamot siya ng ulo at pinagpagan ang mga alikabok sa bandang likuran niya.

"So kamusta? Okay lang ba yung kanta o ang pangit pakinggan."

"Okay naman, Gio. Maganda ang pagkakagawa mo sa kanta paniguradong magugustuhan ni Eva."

"Talaga?" malaking malaki niya sa isiping iyon.

Naakbay siya sa akin nang papalabas na kami mula sa likod ng building nila. Nasa likod ko naman ay ang gitarang hiniram niya mula sa akin.

"Mas mabuti siguro kung humingi ka muna ng permiso kay Eva na manliligaw ka pagkatapos mong umamin sa nararamdaman mo sakanya. What do you think?"

"Haynaku. Wala naman siyang magagawa kung manliligaw ako kahit aayawan niya ako hinding hindi ko siya titigilan. At kahit na may kaagaw man ako sakanya hinding hindi ako magpapatalo."

"Nawa'y magtagumpay ka sa panliligaw mo sakanya pinsan."

"You think she'll like me?"

Hindi ako nakasagot kaagad kaya tinawanan niya ako.

"You don't?"

"Hindi naman sa ganun pero palagi kasi kayong nag-aaway pero kung makikipag-ayos ka sana sigurado akong makukuha at makukuha mo rin ang loob niya."

"Oo naman nga pala ikwento mo naman sa akin kung may iba pa ba siyang gusto bukod sa bulaklak at tsokolate..."

"Mahilig siya sa panonood ng sine."

"Talaga ba? Sayang hindi ako mahilig diyan pero pagtiya-tiyagaan ko."

"Gio! Hinahanap ka ni Ma'am Elle!" biglang pagtawag ng isang lalaking nakasuot ng eye glasses sa di kalayuan namin. Tinanguhan niyo ito at sinenyasan na susunod rin siya.

"Pano pinsan dito na muna ako kita nalang siguro tayo sa susunod ah? Lalo na kapag umamin na ako."

Tumango nalang ako at dumiretso sa booth namin.Pagkarating ko doon naabutan ko sina Emory at Jane nagsisiyahan tuwang tuwa sa pagsasayaw ng mga trending sa TikTok.

Buong araw panay ang update sa akin ni Gio sa mga plano niya tinatawagan niya ako habang nasa booth at may ginagawa. Binisita naman ako ni Eva sa booth namin tumambay siya kasama ang ilan sa mga kaibigan niya. Habang abala ako sa ginagawa ay hindi ko naman kinalimutan na i-entertain sila ng mga kaibigan niya. Nagkaroon naman sila ni Nathalie, Jane at Emory nang pagkakataon na makipag-usap at magpakilala sa isa't isa kina Eva at sa mga kaibigan niya.

Naging maging magkalapit ang kalooban nila sa isa't isa. Na para bang naging kumportable silang lahat paminsan minsan ay isinasali nila ako sa pambabaeng topic nila hanggang sa tanungin ako ng babaeng nagngangalang Claire na siyang dahilan upang mapatigil ako sa ginagawa.

"May girlfriend ka na ba Kio?"

"Ako?" sabay turo ko sa sarili. "Wala ako niyan, wala din akong balak magkaroon sa ngayon."

"Weh?Parang di kami naniniwala diyan Kio sa gwapo mong yan?"

"Wala nga."

"Bakit mo naman naitanong?"

"Ah wala naman may nagpapatanong lang may crush kasi iyong nasa kabilang department namin sayo."

"Ganun ba..." nasabi ko nalang dahil wala akong maisip kung ano ang isasagot ko. Ayokong maniwala pero ipinagpipilitan naman niya.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now