Chapter 7

99 12 6
                                    

Chapter 7

Hindi rin ako nagtagal doon sa banyo dahil sa malapit nang magsimula ang next subject namin. As usual, puro pagpapakilala sa sarili lang ginagawa ng professor since nasa likod lang naman din ako at hindi masyadong kita ay palihim kong tinabon sa mukha ko ang nakatayo na libro at natulog.

Kanina pa ako antok ng antok. Pero hindi pa man ako tuluyang nakaidlip ay napasigaw ako sa sakit nang biglang may tumapak sa paa ko at kurot sa tagiliran ko. Napatayo ako habang hawak hawak ang tagiliran ko at tinignan ang babaeng katabi ko. Nag-iwas siya ng tingin animo'y umaaktong walang ginawang masama sa akin. Saka ko lang din napagtanto na napatingin na pala silang lahat sa gawi ko at yung professor ay napatigil sa pagsasalita.

"Pasensya na po naipit po kasi yung paa ko sa inuupuan niya" saka ko tinuro ang babae, hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya ganun nalang ang ginawa ko.

Tumango ang guro at tinanong ako kung kamusta ang paa ko narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Nathalie mukhang nakita niya din ata ang ginawa ng babae sa akin. Nakakahiya sa lahat.

"Okay naman po ma'am. Pasensya na po talaga" yumuko at tumikhim bago umupo ulit.

"Bakit mo yun ginawa?" bulong ko sa babae.

"Ginawa? Wala ah! Di ako yun tanungin mo si James sa likod" tinuro niya ang bandang likuran niya , ang matabang lalaki na masama ang tingin sa akin.

Di ko alam ano ang ginawa ko sakanya at kung bakit masama ang tingin niya sa akin eh natulog lang naman ako at naging tahimik.

"Gumaganti ka ba dahil sa nangyari kanina?"

Inayos niya ang eye glasses niya at saka ako nilingon. " Gumaganti? Di ah. Ikaw puro ka turo ng turo eh wala ka namang ebidensya sabing si James nga eh kala mo talaga..."

"Tsk."

"Oh sungit gusto mo maxx candy?Sayo nato para kumalma yang sarili mo wag kang mag-alala di naman masyadong nakakahiya yung biglaan mong pagsigaw maliban nalang kung nandito crush mo"

Inilibot pa niya ang tingin sa buong classroom.

"Wag na."

"Sungit."

"Di ka nga nagsorry tapos aayaw ka pa sa maxx candy na bigay ko baka gusto mo ibigay sayo yung cupcake ko."

Napaubo ako bigla sa sinabi niya nabulunan ako ng sarili kong lawat. Kakaibang babaeng toh kung ano ano nalang sinasabi. Nilingon ako ni Nathalie at binigyan ng isang panyo na nasa lalagyan pa halatang bagong bago.

Tinanggap ko iyon at nagpasalamat sakanya. Samantala narinig ko namang may ibinubulong yung babaeng katabi ko nang makita niyang tinanggap ko ang bigay ni Nathalie. Pero hindi ko na masyadong narinig dahil sa sobrang hina gayunpaman ay hindi ko nalang siya pinansin buong araw. Halos hindi na niya ako tinantanan kakatanong ng kung ano ano mabuti nalang at nandyan si Nathalie na sumasagot sa mga katanungan niya.

Kapagod rin kasi at nakakadrain maging katabi ang isang napakaingay na babae. Naudlot tuloy ang tulog ko kanina.

Pagkatapos ng klase namin ay hindi ko nakita sa Gio sa labas ng classroom ko kaya naman ay pinuntahan ko nalang siya sa building nila at naabutan ko siyang kakalabas galing sa library sa ground floor area. Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya bago ako nilapitan.

Kaagad kaming nagyakapan at nagfist bomb di namin namalayan dalawa nakasunod na pala si Eva sa amin aniya ay maaga sila natapos. Nag-offer naman siya sa aming dalawa na sumabay na kami sakanya na hindi naman namin tinanggihan. Nasa parking lot kami nang inunahan ko nalang silang dalawa sa paglalakad.

Samantalang si Gio naman ay sinamantala ang pagkakataon na makuha ang loob ng Eva. Puro sagot ng Oo si Eva sa mga tanong ni Gio, halatang naiinis na.  Hanggang sa nahanap namin ang sasakyan nila Eva ang kaso wala pa ang drayber na may hawak ng susi ng kotse niya may binili pa daw at mamaya pa makakabalik kaya naman ay napaupo nalang kaming tatlo sa gilid ng kotse.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now