Lalaban Hanggang Dulo

76 0 0
                                    

LALABAN HANGGANG DULO
Written by: Makoy

Hindi ko alam kung paano ko ba dapat ito simulan,
Kung ano bang eksaktong rason o dahilan,
Basta ang alam ko lang,
Gusto kong mailabas ang sama ng loob na aking nararamdaman.
Pero, wala akong nais patamaan,
Ito ay purong opinyon lamang.
Kaya bakit hindi natin simulan dito?
Bakit ang daya ng mundo?
Bakit yung dapat na karapatan ay nagiging pribilehiyo?
Bakit yung dapat na para sayo,
pilit na ipinagkakait at inilalayo?
Hindi ko na maintindihan,
Pinipilit ko namang maging matatag at patuloy na lumaban,
Pero paulit-ulit na ipinapamukha sa akin ang masaklap na katotohanan,
Kasalanan bang maging mahirap?
Oo na, sobrang taas na ng pangarap ko,
Sa sobrang taas animo'y bubulusok anumang segundo,
Pabalik sa lupa,
Sa lupa na kahit kailan ay hindi naging patas ang pagtingin sa bawat tao,
Kung saan ang respeto ay binabase sa taas ng pinag-aralan mo,
Kung saan ang respeto ay nakukuha sa kung gaano kalaki ang sinasahod mo,
Ang respeto na kapag may mababa kang grado,
Tila magiging isa kang hangin na hindi nila nakikita,
Ngunit nararamdaman,
Hindi nakikita gaya ng pagbabalewala sa paghihirap at mga pinagdaraanan mo,
Ngunit nararamdaman gaya ng mga pagkukulang mo,
Na kahit gaano mo pa ipilit na maging perpekto,
Hahanapan ka pa rin ng butas na siyang pilit nilang ipapamukha sayo,
Dahil ganito ang ginagalawan nating mundo,
Kung ayaw mong mahusgahan dapat ang galaw ay limitado,
Kahit gaano pa ba kadisiplinado,
Ikukumpara ka pa rin sa kung kanino,
Mabuti pa si ano...
Mabuti pa siya...
Ikaw kailan kaya?
Bakit hindi mo siya gayahin?
Nakakatuwa naman yung anak ni ano,

Nakakapagod na!
Nakakapagod na ang ganitong sistema,
Gusto ko lang din naman na sumaya,
Gusto kong patunayan na mali sila,
Na kayo ko rin gaya ng iba,
Na kaya kong umasenso sa paraang alam ko,
Na darating ang oras na makikita ng lahat ang halaga ko,
Na hindi ako patapon na tao,
Na kahit may mababa mang grado,
Makakasabay ako,

Kaya sana naman,
Huwag niyo na kaming hadlangan,
Sa halip na batikusin ay bakit hindi na lang suportahan?
May pangarap kami,
Pangarap na gustong abutin kahit na anong mangyari,
Pero hindi namin kakayaning mag-isa,
Na darating ang oras kailangan namin ng kasama,
Kailangan namin ng suporta,
Ma, Pa, Ate, Kuya,
Hintay lang,
Makakapasok ako sa kolehiyo,
Kahit mahirap at suntok sa buwan,
Kakayanin ko,
Magiging matagumpay ako,
Dahil naniniwala ako na hindi basehan ang grado,
Hindi ito kailanman magiging basehan para ikaw ay umasenso,
Kaya kapuwa ko mga estudyante,
Kapit lang,
Kapit lang dahil ilalaban natin ito,
Walang susuko,
Magtatagumpay tayo.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now