PAALAM NA

9 0 0
                                    

PAALAM NA
Written by: Gril18

Kumusta ka na?
Ilang linggo akong nanahimik,
Ilang linggo akong hindi nagparamdam,
Ilang linggo na pilit kong kinakalimutan,
Na hindi ako ang para sayo,
Paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko na kailan man ay hindi magiging tayo,
Malabo itong mangyari,
Dahil hindi mo ako kayang tingnan sa mga mata,
At sabihin na mahal din kita.

Tanggap ko,
Oo tinatanggap ko,
Kahit masakit ay tinatanggap ko,
Dahil wala naman akong magagawa,
Hindi pwedeng pilitin kita,
Kahit na sobra na akong nangungulila,
Sa mga yakap at halik mo,
Sa mga ngiti mong matatamis,
Miss na miss na kita mahal ko,
Bakit ba kasi hinadlangan ng tadhana na maging tayo?
Bakit binigyan ako ng karibal?
Bakit siya pa yung mas mahal?
Nakakatawa,
Oo nakakatawa,
Umamin naman ako sayo,
Pinaramdam ko na ikaw ang gusto,
Pero sa ibang tao pala titibok yang puso mo.

Nagkulang ba ako?
Ako yung nauna,
Ako yung mas una mong nakilala,
Ako yung nandito,
Pero bakit siya yung naging mundo mo?
Habang ako, isa lang sa mga kontinente nito.
Isang dakilang kaibigan na palagi mong maaasahan,
Isang tawag mo lang ay dumarating ako,
Pero wala ka noong nasasaktan ako.

Pero hayaan na,
Ganyan talaga ang buhay,
Hindi ko na ipagpipilitan pa,
Kahit masakit ay handa akong maging kaibigan,
Kahit na kaibigan ko, yung lalaking pinili mo,
Kaibigan ko na alam kung gaano kita kagusto,
Na siyang naging saksi kung paano ako nabaliw sayo,
Na siya rin pa lang tatapos ng ating kuwento,
Kahit na unang kabanata pa lang,
Epilogo na agad ang sumunod at hindi na nasundan.

Sobrang mapaglaro ng kapalaran,
Sobrang sakit,
Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikitang masaya kayo,
Pero tama na itong kahibangan ko,
Husto na, Sobra na
Kaya kahit masakit,
Paalam na,

Masaya ako na nakilala kita.
Ang babaeng unang nagpakilig,
Ang babae na sa akin ay nagpangiti,
Ang babaeng minsan kong minahal,
Hanggang sa muli....
Paalam.

Spoken words poetry-tagalogKde žijí příběhy. Začni objevovat