Wika

4 0 0
                                    

Wika
Isinulat ni: Gril18

Annyeong!
Swadee!
Hello!
Bonjour!
Kamusta?
Isang mapagpalang araw sa inyo,
Mga minamahal kong binibini at ginoo,
Handa ka bang isigaw ang lahing pinagmulan mo?
Taas-noo na ikaw ay isang pilipino,
Kaya mo ba?
Sigurado ka?
O baka tulad ka rin nila na magaling lang sa umpisa?

Sandali, bakit hindi natin idaan sa laro?
Tagu-taguan, Pautakan, o Sili-Sili Maanghang?
Sumali ka na!
Tara at magsisimula na!
Tagu-Taguan, Maliwanag ang buwan,
Wikang pinagmulan ay kaya mo bang ipangalandakan?
Mahal mo ba ang lupang ating sinilangan?
Wala sa likod, Wala sa harap.
Mga katutubong wika ba natin ay kaya mong taas noong ipalaganap?
Baka naman ikaw lang ay nagpapanggap.

Pagbilang ko nang tatlo ay makinig na kayo,
Isa, Dalawa, Tatlo,
Alam mo ba na ang ating wika ay isang mahalagang instrumento?
Na kung wala ito,
Mawawalan ng pagkakakilanlan tayong mga pilipino,
Hindi magkakaintindihan,
Walang pagkakaunawaan.

Tara na maglaro ng Pautakan,
Paramihan nang masasabing Katutubong Wika na napag-aralan,
Marami 'yun kaya hindi magkakaubusan,
Sige, mauuna na ako,
Cebuano!
Mali, mga namang Korean,
Sige isa pa.
Kapampangan!
Mali ka na naman e,
Wala namang Mandarin,
Ikaw ah, napaghahalataan ka,
Mukhang babad ka sa cdrama at kdrama.
Pero sige, bawi ka na lang.

Sili-Sili Maanghang,
Huling laro na kaya sana seryosohin mo na,
Kaya kapag nasili kita at hindi ka na makagalaw,
Gamitin mo yung wika natin para humingi ng tulong.
Gamitin ang sariling atin,
Huwag kang mananahimik na parang wala lang,
Magkaroon ka sana ng boses,
Magsalita ka,
Manindigan ka,
Hindi na lang ito basta tungkol sa laro,
Ipaglaban mo ang wika nating mga pilipino,
Sa halip na tangkilikin ang iba at ipagsawalang-bahala ito.

Huwag mong hayaang masakop tayo ng iba,
Buksan ang mga mata,
At huwag kang susunod sa uso na lang basta,
Itaas ang ating bandera,
At maging isang lipunang may pagkakaisa,
Na kahit magkakaiba ng pinagmulan ay may iisang ipinaglalaban,
Na sa mundong walang kasiguraduhan ay alam mong Pilipino ka,
Hindi ka nag-iisa.

Kaya muli, mga minamahal kong binibini at ginoo,
Ang Wika ko ay Wika mo,
Wikang may pagkakaisa,
Wikang dapat na ipagmalaki,
Kaya sana manindigan ka,
Sa isip, Sa salita, at maging sa gawa.
Mahalin natin ang mga wikang sinisinta.
Dahil tayong mga kabataan,
Ang pag-asa ng bayan na ating sinilangan,
Ang magpapalaya mula sa kamangmangan,
Kaya ang wika ay gamitin, pagyamanin, at buong pusong mahalin.

Spoken words poetry-tagalogKde žijí příběhy. Začni objevovat