ALAALA NA LAMANG BA?

176 44 0
                                    

ALAALA NA LAMANG BA?

BY: Gril18

Gusto kitang sumbatan dahil pagmamahalan natin ay hindi mo pinaglaban,

Mas pinili mong sumama sa iba kaysa pagtibayin ang ating samahan,

Saan ba ako nagkulang para itapon mo ang relasyon natin ng gano'n lang?

Minahal naman kita,

Binigyan kita ng pagpapahalaga,

Binigyan ng importansya.

Akala ko nga, 

Ako ay sapat na,

Masaya pa tayong dalawa,

Ngunit nasa piling ka na pala ng iba,

Akala ko may tayo pa,

Ngunit bakit humanap ka ng iba?

Panakip-butas lang ba ako?

Minamahal lang kapag kailangan mo?

Ang lupit mong magbalat-kayo,

Napaniwala mo ako,

Napaniwala mong ako lang sa puso mo,

Ako lang 'yong dahilan ng mga ngiti mo,

Ngunit,

Siya pala,

Siya pala 'yong nauna,

Siya pala 'yong minahal mo ng sobra,

Siya lang ang may kayang pasayahin ka.

Oo na kaibigan lang,

Wala akong karapatan,

Naaalala lang kapag may kailangan,

Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya,

Masaya ka habang ako hindi ko na alam kung kaya ko pa,

Paulit-ulit na magbubulag- bulagan,

Iisiping wala kang kasintahan.

Ako lang,

Hindi naman ako gumagamit ng bawal na bato,

Ngunit bakit ang lakas ng tama ko sa iyo?

Bakit nga ba ako nagkagusto sa tulad mo?

Kaibigan mo lang naman ako.

Wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang mahalin ka,

Pero bakit sobrang sakit ang aking nadarama?

Oo na,

Wala na akong halaga,

Hindi ko na tatanungin kung malabo ba ang iyong mga mata,

Dahil kitang-kita ko naman na masaya ka habang kasama siya,

Alaala na lang ba ako?

Hanggang balik-tanaw na lang sa ating mga litrato,

Unti-unti na ba akong nagiging abo at nabubura sa bawat alaala mo?

Sana naman mali ako,

Kasi may pinagsamahan naman tayo,

Naging ikaw at ako,

Sa mundo kung saan ang galaw ay limitado,

Bawat segundo,

Ako ang kasama mo,

Imahinasyon kung tawagin niyo.

Dito tayong dalawa lang ang tao,

Nararamdaman ko 'yong pagmamahal mo.

Spoken words poetry-tagalogDonde viven las historias. Descúbrelo ahora