Diwa ng Pasko

1 0 0
                                    

Diwa ng Pasko
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Pasko na naman,
O kay tulin ng araw,
Paskong nagdaan,
Tila ba kung kailan lang,
Nagsisimula na ulit sila,
Karoling dito, Karoling doon,
Mga batang namamasko,
Dire-diretso hanggang sa ika-bente-kuwatro,
Abot tainga ang saya sa tuwing nabibigyan ng barya,
Ang sarap sa pakiramdam,
Nalalapit na nga talaga ang kapaskuhan,
Masaya,
Oo masaya,
Pero hindi ko ito lubusang madama,
Kulang na pagmamahal,
Ito ang lagi kong nararamdaman,
Dahil sa tuwing sumasapit ang pasko,
Pinaalala sa akin na mag-isa na lang ako,
Walang natirang pamilya,
Walang ibang nagmamahal,
Para lang akong isang hangin dito sa bahay-ampunan,
Dahil limang taon na,
Simula noong naulila ako,
Masakit pa rin at ito ang totoo,
Ang dami kong katanungan,
Ang dami ko pang gustong maranasan,
Bumuo at abutin ang mga pangarap,
Na kasama kayo,
Na nasa tabi kayo,
Makasama sa noche buena,
Sa hapag-kainan ay kumain nang buo at magkakasama,
Makasama kayo ngayong pasko,
'Yan ang pinakahihiling ko,
Gusto ko kayong mayakap nang mahigpit,
Mahagkan,
Maiparamdam kung gaano kamahal,
Miss na miss ko na kayo,
Miss na miss ko na kayo,
Mag-aalas dose na,
Pero heto pa rin ako,
Nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana,
Nagbabagsakan pababa sa pisngi ang mga luha,
Mag-isa na naman ako,
Lahat sila ay may pamilyang kasalo,
Hindi ko na kaya ito,
Mas mabuti na matulog na lang ako,
Palipasin itong pasko,
Pero tatlong magkakasunod na katok,
Ang gumising at pumukaw ng atensyon ko,
Isang madreng nakangiti ang pumasok sa kuwarto,
May dala siyang regalo,
Inabot sa akin,
Mga matang puno ng sinseridad,
At namalayan ko na lang,
Niyakap niya ako nang mahigpit,
At doon mas tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko,
Nang banggitin niya ang mga katagang nagpamulat sa sistema ko,
Wala man ang pamilya,
Pero hindi ako nag-iisa,
Hindi ako kailan man naiwan sa kawalan,
Dahil ang Diyos ay palaging nariyan,
Mahal niya ako sa kabila ng mga kamalian,
Mahal na mahal niya ako,
Mahal tayo ng diyos,
Mula noon, hanggang ngayon,
Hindi siya nagbabago,
Pagi siyang nariyan para sa akin at para sa iyo.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now