Miss na kita

187 32 0
                                    

Miss na kita

By: Gray

Ps: May recordings sa media :)

Simulan natin sa umpisa,

Kung saan tinanong kita kung p'wede ba kitang maging ama,

Nanginginig ang dibdib at puno ng kaba,

Dahil maraming posibilidad ngunit pumayag ka.

Pumayag kang maging tatay ko,

Pumayag kang maging parte ng buhay ko.

Nag-uumapaw na saya ang nadarama,

Sa tuwing magkasama tayong dalawa,

Nakakaramdam ako ng importansya,

Na sa malupit na mundong ito ay meron akong kasama,

Mayroong nagmamahal sa akin ng sobra,

Mayroon akong ama.

Nakakatawa,

Nakakatawa,

Kasi sobrang taas ng pangarap ko,

Sa sobrang taas ng pangarap ko,

Na kalimutan kong mahalin ang sarili ko,

Sinaktan ko, 'yung sarili ko.

Pasensya,

Kasi kinukulit kita,

Wala naman akong magagawa kasi gusto ko lang sumaya ka,

Kasi mahal kita.

Mahal kita tay,

Wala kayong kapantay.

Alam kong hirap pa kayong tanggapin,

Kaya ang laging ginagawa sakin ay balewalain,

Hindi niyo pa ko kayang mahalin.

Alam ko,

Hindi pa kayo handa,

Naiintindihan ko,

Ngunit umaasa pa rin ako,

Tay, sana mahalin niyo rin ako,

Hindi po sa nagmamakaawa,

Ngunit kasi tay,

Kailangan ko lang ng kalinga.

Kalinga ng isang ama,

Kahit alam kong teacher ka.

Pasensya na,

Kung puro sakit ng ulo ang aking dala,

Kung madalas akong madarama.

Ngunit promise ko sa inyo tay,

Na kayo lang ang gusto kong maging tatay,

Hindi ko kayo kalilimutan.

Hindi ko man kayang maging perpektong anak,

Ngunit susubukan kong gawin lahat para puso mo'y hindi mawasak.

Hindi ako tulad ng iba na mapagsamantala,

Totoo ang aking nadarama.

Mahal kita,

Tay mahal kita,

Ikaw lang 'yung gusto kong maging ama,

Hindi bale ng magmukha akong tanga basta mapasaya kita,

Mapasaya ko 'yung tatay ko,

At tanggapin nya rin akong anak niyang buo.

Spoken words poetry-tagalogМесто, где живут истории. Откройте их для себя