Taympers lang

1 0 0
                                    

Taympers lang
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Isang malalim na buntong-hininga,
Para sa kursong pilit na isinasalba,
Hindi na alam ang uunahin,
Sa sobrang daming gagawin,
Kaliwa't kanan sila,
Nag-uunahan at nagpapatong-patong na,
Tambak at kumakaway sa akin,
Taympers lang,
Isa-isa, mahina ang kalaban,
Gagawin ko naman lahat,
Gusto ko lang munang huminga,
Dahil nakakapagod ang ganitong sistema,
Nauubos din ako,
May hangganan ang kakayahan ko,
Hindi na ako 'yung dating estudyante na kilala niyo,
Na kayang tumapos ng lima o anim na exam sa isang araw,
Na nasasabayan pa ng paglalaro pagkauwi galing sa paaralan,
Taympers lang,
Hindi pa ako tapos sa report ko,
May long quiz pa kami sa sabado,
Teka, paano ba ito?
May finals din pala kami mamayang alas-otso,
Alas-tres na ng madaling-araw,
Wala pa akong tulog,
Pangatlong kape ko na rin ito,
Nahihilo at pumipikit na ang talukap ng mga mata,
Pero hindi, kailangan na itong ipasa,
Taympers lang,
Sa mga report na kabibigay pa lang,
Mahina ang kalaban,
Tao lang din po ako,
At hindi kayang sauluhin ang buong IM's niyo,
Taympers lang,
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga tanong,
Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang sagot,
Wala naman po ito sa naituro,
Paano na ito?
Babagsak na ako,
Taympers lang,
Hindi po ako robot,
Kailangan ko ring huminga,
Sobrang nahihirapan na,
Pinipilit ko namang isalba,
Tatlong oras na tulog ay mukhang sapat na,
Ginagawa ang mga dapat ipasa,
Pero para bang paulit-ulit na siklo na lang,
Ipapasa rito, ipapasa roon,
Kaya taympers lang,
Dahil hindi ko alam,
Kung itong sem ba ang matatapos,
O hininga ko ang mauubos.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now