WALANG SA IYO

128 38 0
                                    

WALANG SA IYO

BY: Gray

Ginawa mong biro,

'Yong pangako ko sa iyo.

Ipinagsawalang-bahala ang nararamdamn ko,

Pinilit kong maging perpekto kahit hindi ko alam kung paano,

Ngunit mahal,

Bakit nauwi pa rin tayo sa malagim na panloloko?

Uso pa rin pala 'yong keep the change,

Ibibigay mo ng buo,

Ngunit ni isa walang babalik sa iyo,

Ganito kalupit ang mundo.

Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana,

Nilandi ngunit hindi sininta.

Bakit kasi pinapipilitan ko 'yung sarili ko sa taong hindi naman ako gusto?

Pinilpilit na maging akin ka kahit pagmamay-ari ka na ng iba.

Parang West Philippine Sea,

Pinipilit angkinin ng China kahit sa Pilipinas naman talaga.

Ikaw alam mong may syota na ngunit bakit nilandi mo pa?

Tapos iiyak ka kasi ginamit ka?

Hipon ka ba?

Kain ulo tapon katawan,

Tagapag-init ng kanyang kalamnan?

Matanong nga kita?

Magkano ka ba?

Kahit gaano kamahal ang presyo bibilihin kita.

Wala mang matira sa akin kahit na singkong duling,

Basta ba ikaw ay aking kapiling,

At malinaw kong nakikita na pagmamay-ari kita,

Hindi ka masasaktan ng iba dahil ipagtatanggol kita sa kanila.

Hindi mo kailangang mangambaba,

Hindi ako tulad ng iba,

Malinis ang aking konsensya,

Mahal na mahal kita.

Dito na papasok ang pag-utang ko sa ngayon,

Makasama ka lang sa buong maghapon.

Alam kong luma na ang katagang ito,

Ngunit paulit-ulit kong sasabihin sa iyo,

Ay mali,

Ipapamukha ko pala sa iyo na palagi akong nandito sa tabi mo,

Umulan man o bumagyo,

Magunaw man ang mundo,

Ipagtabuyan mo man ako,

Patuloy pa ring papapel sa iyo,

Hihingi ng papel sa buhay mo,

Kahit walang sa iyo.

Ako yung brand x na kalaban ang original,

Paano mo ko mapapansin kung siya 'yung nakaugalian?

Ngunit kahit wala akong laban hindi ako susuko,

Hindi ako titigil sa paglaban,

Kasi kapag nagmamahal handa ka dapat sumugal,

Hindi ka takot masaktan.

Dahil ang sakit ay parte ng barahang binigay mo,

Sa bawat saya ay may tripleng sakit,

Sa bawat oportunidad ay may dagok na darating,

Sa bawat pagdating ay may aalis,

At sa bawat pagpalit may kasamang sakit.

Kaya mahal ko,

Mamahalin pa rin kita kahit walang sa iyo.



Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now