OKAY LANG AKO

407 58 2
                                    

OKAY LANG AKO

BY: Gril18

Hindi ko alam kung ito pa ba ay aking sisimulan,

Gayong sa bawat piyesa ako lagi ang nasasaktan,

Iniiwan sa kawalan,

Walang mapuntahan.

Ganiyan ako,

Laging nagpaparaya pagdating sa'yo,

Ngiti ko man ay maging limitado,

Sa'yo man ako'y maging dehado,

Sasabihin ko pa ring okay lang ako.

Okay lang kahit maging pangalawa,

Okay lang pag wala siya,

Do'n mo lang makikita 'yong tunay kong halaga,

Kasi ganun naman talaga 'di ba?

Siya lagi 'yong bida,

Siya lagi 'yong hinahanap ng 'yong mga mata,

Kulang na lang sabihin ko sa'yong mahal kita,

Dahil baka sakaling mapansin mo ang aking presensya,

At malamang hindi ka nag-iisa.

Na sa malupit na mundong ito ay mayroon kang kasama,

At mayroong isang ako na nagmamahal sa'yo ng sobra.

Kaya sana naman,

Ako na ay iyong pagbigyan,

Kung hindi mo kayang suklian ang aking pagmamahal pakiusap lang,

Mahal, pakiusap lang,

Nakikiusap ako,

Huwag mo kong paglaruan,

Nasasaktan na kasi ako kahit wala akong karapatan,

Dahil masakit isiping sa iba ka nasisiyahan,

At ako ay walang ibang magawa kung hindi umiyak sa kung saan.

Kaya mananahimik na lang ako,

Iisiping walang nangyari sa araw na ito,

Walang nabuong ugnayan sa inyo,

At sasabihin ko pa ring...

"Okay lang ako"

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now