HINDI AKO NAGING SAPAT

162 33 0
                                    

HINDI AKO NAGING SAPAT

BY: Gray

Hindi ko alam kung paano sisimulan,

Ang istoryang hindi alam ang katapusan,

Ako ay iyong binitawan,

Hindi man lamang pinakinggan.

Hindi pa ba sapat ang mga tampuhan?
Na minsan nating pinagdaanan,

Na minsan na ring nagkaunawaan,

Kala ko ba walang iwanan?

Pinaasa mo ako sa iyong mga salita,

Tapos iniwan mo bigla,

Hindi ko makakalimutan ang pinaramdam mong saya,

Mahal, malaya ka na.

Malaya kang sumama sa kanya,

Habang ako mag-isang babalik sa umpisa,

Sasariwain ang unang beses nating pagkikita,

Habang nagbabaliktanaw sa litrato nating magkasama.

Nakakatawang isipin,

Nagawa mo ba akong mahalin?

Kaya mo ba itong sagutin?

Bakit hindi mo ko kayang piliin?

Ginawa ko naman ang lahat,

Para lang maging sapat,

Maging karapat-dapat,

Ngunit hindi ka naging tapat.

Hindi ka naging tapat sa iyong pangako,

Ako ay basta mo na lang pinasuko,

Puso ko'y unti-unting napapako,

Sa mga pangarap nating naglaho.

Puro panloloko ang lumalabas sa bibig mo,

Pawang kasinungalingan at walang totoo,

Pinagmukha mo akong dehado,

Sa harap ng maraming tao.

Ano bang kasalanan ko sa iyo?

Mahal kapalit-palit ba ko?

Mga galaw ko naman ay limitado,

Ngunit bakit pagmamahal ay pinagkait mo?

Matanong nga kita?

Ano bang wala sa akin na mayroon siya?

Porke't sa fishbulan lang kita kayang idala?

At hindi sa mamahaling resto na tagpuan niyong dalawa.

Pinipilit kong maging akin ka,

Pinipilit kong ipaglaban ka,

Pinipilit kong mahalin ka pa,

Ngunit ikaw sukong-suko ka na,

Ako ay iyo nang sinusuka.

Ang halik at yakap mo ay hindi na madarama,

Hanggang sa litrato na lang nating magkasama,

Sasariwain kung paano tayo sumaya,

Ay sandali, ikaw lang pala.

Sapagkat hindi naman ako naging sapat, hindi ba?

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now