TULA NG PAMAMAALAM

352 47 0
                                    

TULA NG PAMAMAALAM

BY: Gril18

Kaibigan,

hindi man tayo nagkita sa personal,

pero nais kong iyong malaman na labis akong nasaktan,

nang malaman kong ika'y sumakabilang buhay

Bakit ba kailangan pang mangyari ito?

gayong napakasipag mo namang tao.

Masyado ka na yatang  mabait kaya agad kang nawala sa mundo.

Sa pag-ibig man ika'y dehado,

minahal ka naman ng maraming tao.

Kahit na minsan masyado kang loko-loko,

hindi mo pa rin nalilimutang tumulong sa mga tao,

sana nga naging katulad mo na lang ako,

para kahit papaano hindi ako nasesermonan ng nanay ko,

sermon dito, sermon doon,

kailan ba ako magkaroon ng pagkakataon?

na mapatunayan sa inyo pati sa poon,

na kaya kong sumugal maging matatag na pundasyon

alam kong sawa ka na sa papuri mula sa iba,

pero sana matuwa ka dahil ikaw ang dahilan ng pagngiti nila,

alam mo bang hinahangaan kita?

kaya mong magbuwis ng buhay para sa iba,

kaya tuloy kamatayan mo'y napaaga,

pero 'wag kang mag-alala,

dahil labis ang kanilang pasasalamat dahil tumulong ka.

Sana lang nakita kita habang nabubuhay ka pa,

sana lang nasabi ko sayo na sa buhay ko'y mahalaga ka na,

sana lang mas naging malapit pa tayo sa isat isa,

puro na lang sana pero hindi na nito mababalik ang nakaraan dahil wala ka na.

Minsan nang sumagi sa isip ko,

bakit ba kasi napakabait mong tao?

'Yan tuloy napaaga ang buhay mo,

Hindi na tuloy ako magkakaroon ng pagkakataong makita kang masaya sa mundo.

P'wede ka namang manloko ng tao,

paglaruan ang damdamin ng taong nahuhulog sa'yo

pero mas pinili mo pa rin  maging mabuti,

pinili ang tama kaysa mali,

kahit na madalas hindi ikaw ang pinipili.

Ako'y namamaalam na,

Hindi mo sana malimutan ang pinagsamahan nating dalawa,

maalala mo sana ako kahit na ikaw ay nasa kabilang buhay na,

kahit sa chat lang tayo nagkakilala

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now