Bagong taon na

0 0 0
                                    

Bagong taon na
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Matatapos na ang taon,
Ilang oras na lang,
Ilang sandali pa,
At siguradong sa isang kisapmata,
Mausok na kapaligiran na ang iyong makikita,
Palakasan ng mga torotot,
Magkakasunod na pagputok ng mga fireworks,
Lusis dito, Popup doon,
At malakas na tunog ng lata na sumasayad sa umiikot na mga motor,
Videoke ng mga kapitbahay,
Hiyawan,
Putukan,
Tumatalon pa ang ibang kabataan,
Sa pag-asang tatangkad,
At siyempre, hindi mawawala ang paghagis ng mga barya,
Mga batang nag-uunahan sa pagkuha,
At pagpatak din ng alas-dose,
Nagsisimula na ang paglabas ng mga pinagmamalaking handa,
Ang graham cake na inaabangan,
Salad na hinahanap sa hapag-kainan,
At mawawala ba ang spaghetti na pangmasa?
Tuwing may okasyon ay imposibleng hindi ko ito makita,
At kung minsan pa nga,
Three Kings na, iniinit pa!
Ganyan siya katibay,
Sabi rin nila,
Bagong taon, Bagong Pag-asa,
Kaya heto, kung ano-anong nasa lamesa,
Pamahiin daw pangpasuwerte,
May doseng bilog na prutas,
Pero mas binabalikan ko ang matamis na ubas,
May bigas nga rin sa babasaging mangkok,
Na sinamahan pa ng mga barya,
May perang papel ding nakarolyo gamit ang pulang tela,
Samu't saring paniniwala,
Na naglalayong pagaain ang pagpasok ng pera sa pamilya,
Bagong taon na nga,
Panibagong pagsubok na namang kahaharapin,
Sino kaya yung mga bago kong titiisin?
Biro lang,
Pero sana nga maambunan ng suwerte,
Pasadong finals cutie,
Makapasa sa pinag-aaralang kurso,
Malampasan ang mga kaniya-kaniyang laban ng mga tao,
Bagong taon, Bagong pag-asa,
Kaya naman sinasalubong ko ito nang buong sigla,
Mga negative energy ay isinantabi muna,
Kaya mula sa akin at sa inyo,
Nawa ay mapasaatin ang hinihintay nating mga pagkakataon,
Isang manigong bagong taon!

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now