Prutas Laban sa Gulay ko

31 0 0
                                    

PRUTAS LABAN SA GULAY KO
WRITTEN BY: Gril18

Nakatingala ako sa alaapaap, doon sa itaas,
Bigla akong napangiti nang maisip si crush,
'Yong mga ngiti niya, pakiramdam ko ay wala ng bukas,
Nabihag niya akong wagas.
Pero bigla akong minalas,
Pag-asa ko ay unti-unting nalalagas,
May mahal na pala siya, 'yong kaibigan kong ahas,
Hindi pa nagsisimula ang istorya namin pero mundo ay hindi talaga patas,
Sinagot ang kaibigan ko dahil sa binigay na iba't ibang uri ng prutas.
Saging, chico, pinya, maging ang mansanas.
Kaya ngayon crush,
Mahilig ka pala sa prutas,
Hayaan mong ang kakaibang sarap ay sa'yo ay aking iparanas.

Gusto mo ng pinya?
Marami itong mata,
Gaya ko, nakikita ang tunay mong halaga.
Saging, baka gusto mo rin?
P'wede mo akong lambingin at mahalin.
Chico, baka gusto mo?
Tutal hindi naman ako manloloko,
Puso ko ay ibibigay sa iyo ng buo.
Bibigyan din kita ng raspberry,
Para gaya nito, relasyon natin ay maging healthy,
Walang dadapong peste dahil malakas ang ating immunity.
Pero wala talagang tatalo sa tamis ng mansanas,
Parang 'yong mga ngiti mong matatamis,
Na siyang bumibihag sa akin nang labis.
Subukan naman natin ang ubas,
Gusto mo ba no'n crush?
Hahanapan kita, basta ba, sa akin ka na.

Biro lang, walang personalan.
Alam ko namang hanggang kaibigan lang,
Hindi na ako aasa pa,
Kakain na lang ako ng kalabasa para makita ko ang tunay kong halaga,
Samahan mo pa ng mustasa, siguradong matatanggap ko na,
Dahil gaya ng ampalaya,
Sa hapag-kainan ay ayaw mo akong makita,
Kaya crush, malaya ka na.
Hindi ko na ipipilit na gustuhin mo ako.
Dahil malabo talagang piliin mo ako.
Hindi ka vegetarian.
Ayaw mo sa mga tanim naming gulay sa bakuran.
'Yong gulay ko, kailangang lutuin pa,
Samantalang 'yong prutas niya, ready to eat na.

Hindi ko na pahahabain pa,
Ayoko na itong palakihin pa,
Sapat na ang makita kitang masaya,
Ninanamnam ang prutas na bigay niya,
Kita ang saya sa iyong mga mata.
Dahil prutas ang mas pinili mo,
Hindi ang gulay na pinaghirapan kong itanim para lang ialay sa 'yo.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now