Pangarap natin

2 0 0
                                    

Pangarap natin
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Ang sarap pala sa pakiramdam na mahalin,
Ang sayang isipin na piliin,
At ang dating buhay na magulo,
Tila ba bumubuo ng isang kuwento,
Kung saan tayong dalawa ang bida,
Na akala mo ay nasa isang pelikula,
Nagmamahalan nang sobra,
Ang sarap isipin,
Wala na akong ibang mahihiling,
Labis ang saya sa tuwing nasa malapit ka,
Gumagaan ang pakiramdam tuwing ikaw ang kasama,
Ikaw na,
Ang matagal ko nang hinihintay,
Ang nagbigay ng saya sa mundo kong walang kulay,
Ang nagparamdam sa akin kung paano magmahal,
At kung paano mahalin,
Sayo ako sigurado,
Dito sa magulong mundo,
Alam kong mananatili kang totoo,
Kampante ako sa iyo,
Kaya naman, hindi na ako nagdalawang-isip ibigay,
Lahat ng kaya ko,
Lahat ng mayroon ako,
Dahil basta para sayo,
Ibibigay ko,
Nang walang pag-aalinlangan,
Ganyan kita kamahal,
Sabay nating binubuo ang mga pangarap,
Dumating sa punto na nagtayo na tayo ng coffee shop,
Ang saya!
Kasama kitang nangangarap at sabay nating unti-unting tinutupad,
Ang blangkong papel ay nagkakalaman,
Ganito pala ang pakiramdam ng pagmamahal,
Malapit tayo sa magulang ng isa't isa,
Halos perpekto na,
Mahal na mahal kita,
At alam kong ganoon ka rin,
Limang taon na ang lumipas,
Pero nanatili tayong matatag,
Ikaw pa rin at ako,
May titulo pa rin ang salitang tayo,
Alam kong ikaw na talaga,
Ikaw na ang babaeng ihaharap ko sa altar, Ikaw na yung pakakasalan,
Ikaw na yun,
Alam kong ikaw na,
Nararamdaman ko,
Sigurado na ako sayo,
Bubuo tayo ng pamilya,
At ikaw ang makakasama,
Mahal na mahal kita,
Kaya heto ako ngayon,
Nangingig at kinakabahan,
Habang hawak ang singsing sa kamay,
Hindi ko na ito patatagalin pa,
Sigurado na ako sayo,
Ikaw ang bumuo at nagbigay kulay sa mundo ko,
Ikaw ang nagparamdam sa akin kung gaano kasarap ang magmahal,
Kaya hindi ko na ito patatagalin,
Aayain na kita sa altar,
Simulan na natin ang ang road to forever na istorya,
Excited na ako,
At makalipas ang halos isang oras,
Sa wakas, dumating ka na,
Sa ating tagpuan na madalas nating puntahan,
Yung lumang gazebo sa bayan,
Kung saan tayo unang nagkita,
Kung saan ako unang kinikilig,
Kung saan ako unang naniwala sa pag-ibig,
Umupo ka na sa tabi ko,
At gaya nang dati, wala pa ring kupas ang ganda ng nga ngiti mo,
Pero may iba sa iyong mga mata,
Ewan ko ba pero parang kinakabahan ka,
Posible kayang alam mo na ang gagawin ko?
May ideya ka na sa proposal ko?
Pero hindi na bale,
Nandito na ako,
Simulan na ito,
Ngumiti ako nang matamis,
Akmang ilalagay sa mata mo ang piring,
Nang pigilan mo ako,
Hindi ko alam ang dahilan pero nagtaka akong ilagay ulit ito,
Pero sa pagkakataong ito, tinabig mo ang kamay ko,
Anong dahilan at bakit tila nawala sa mukha mo ang saya?
Bakit parang badtrip ka?
Nanatili akong mapilit at muling nagtangka,
Pero tinulak mo ako,
Nahulog pa ang singsing sa kamay ko,
Puno nang pagtataka akong tumingin sa iyo,
Pero nagsimula kang umiyak at humingi ng tawad,
Kapatawaran sa kasalanang hindi ko alam,
Patuloy ka lang sa pag-iyak,
At hindi ako nagdalawang-isip na yakapin ka,
Pero tila mas lumakas ang hikbi mo,
Ang doon mo ipinakita sa akin,
Ang isang bagay,
Na nagpatigil ng mundo ko,
Hindi ko alam kung paano ang gagawin,
Natatanga ako,
Paanong buntis ka?
Paano nangyari na dalawa ang linya?
Paano?
Gayong hindi pa natin ginagawa iyon,
At doon ka na umamin,
Isang taon na kayong palihim na nagkikita,
Ng best friend ko,
At siya ang ama ng dinadala mo,
Hindi ko alam kung paano,
Para bang lumulutang sa kawalan ang isip ko,
Hawak ko ang singsing,
Habang pinagmamasdang kang lumabas,
At iniwan akong nakatulala,
Nag-iisa,
Hindi alam kung paano babangon,
Sobrang hirap bumitaw,
Sa isang bagay na nakasanayan na,
Yung lagi mong nakikita,
Madalas mong nararamdaman,
Kinuha ka mula sa kawalan,
At aaminin ko,
Naging kampante ako sa iyo,
Nasanay akong nariyan ka,
Nasanay na sayo ako at akin ka,
Kaya ngayon,
Paano na?

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now