GURO SUSI SA AMING TAGUMPAY

354 40 1
                                    

GURO SUSI SA AMING TAGUMPAY

BY: Gray

Inaalay ko ang tulang ito sa lahat ng mga guro na walang sawang nagmamahal, sumusuporta sa aming mga mag-aaral.

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng paghihirap, pagtitiis at pagpupuyat na ginagawa niyo para may bagong leksyon kayong maituro sa amin.

Sana'y inyong magustuhan ang munting piyesang iaalay para sa inyong kabutihan.

Sampung buwan,

Sampung buwan silang nagtitiis,

Nagtatrabaho ng walang mintis.

Pilit na nagtitiyaga,

Makakuha lang ng leksyon ang mga musmos na bata.

Hahamakin nila ang lahat,

Patuloy na magpupuyat,

Kaharap ang laptop at aklat.

Hindi na magkandaugaga kung ano ang gagawin,

Kung pamilya ba o mga naiwang aralin,

Tambak sa mga gawain,

Ganiyan sila kung susumahin.

Daig pa nila ang ang siyam na planeta,

Kahit saan man sila pumunta,

Trabaho pa rin ang nasa isip nila.

Libutin man ang buong mundo,

Ang isip ay sa aralin pa rin nakasentro,

Masakit man marinig,

Ngunit 'yun ang totoo.

Pumapasok sila para sa sakit

Kumikita ng pera na sapat lang para sa pamilya,

Tapos kapag nagkasakit pa?

Paano na sila?

Walo,

Walong oras ang ginugugol sa trabaho,

Nagtuturo sa munting entablado,

Ngunit bakit hindi patas ang mundo?

Dahil kakarampot na halaga lang ang kanilang sweldo.

Sila 'yung nahihirapan,

Sila ang babad sa propesyon na pinag-aralan,

Ngunit bakit yung kita?

Hindi yata pangmasa.

Pitong araw na babad sa trabaho,

Minamahal naming mga guro, kamusta na kayo?

Wala na halos pahinga,

Ginagalit pa natin sila.

Bukas na ba ang inyong mga mata?

Malinaw na bang nakikita 'yong malabo nilang sistema?

Umaangat ang mga nasa taas,

Bumababa ang mga nasa baba.

Ano bang klaseng sistema mayroong ang ating mundo?

May kinikilang,

May pinoprotektahan,

Pinaglalaban ang wala sa katarungan.

Kumikita sila sa marangal na paraan,

Ngunit kapag nagbigay ng asignatura sa kabataan,

Makukulong sa bilangguan.

Hindi naman ata tama 'yun,

Anim na araw silang nasa paaralan,

Nagtuturo ng kaalaman,

Tapos tatanggalan ng karapatan na magturo sa kabataan?

Sana'y hindi na mapasa,

Ang batas na isinusulong sa kamara.

Walang masama sa asignatura,

Kung iuuwi sa pamilya.

Dahil limang araw lang naman tayong pumapasok sa eskwela,

Mayroong sabado at linggo para sa pamilya.

Huwag na nating pasakitin ang kanilang mga ulo,

Maging mabuti na sana tayong ehemplo,

Dahil sa mga guro kaya tayo naririto.

Walang halong biro,

Walang halong pagbabalat-kayo.

Lubos kaming nagpapasalamat,

Dahil sa apat na beses na pagpapayo,

Kapag may problema sa kanila ang takbo,

Ma'am kasi po ano,

Sir si ano po kasi.

Sumbungan sila ng bayan,

Takbuhan kapag nangangailangan.

Dahil sila ang ating tulay,

At ang ating nagsisilbing gabay,

Tungo sa kinabukasan na naghihintay,

Dahil sila ang ating pangalawang magulang,

Walang papeles ngunit minamahal tayong tunay.

Handa silang gawin lahat ng paraan,

Handa silang magpuyat para sa mag-aaral.

Dahil espesyal tayo,

Hindi man anak ngunit obligasyon nila tayo.

Kaya patawad po sa kakulitan,

Sa komsumisyon na aming ibinibigay.

Ngunit kahit ganito,

Mahal namin kayo,

Dahil nag-iisa lang kayo,

Kayo lang ang may kayang gumawa ng mga imposibleng bagay,

Tumutupad sa pangako,

Bilib ako sa inyo,

Kaya niyo lahat ng trabaho.

Kaya sana alagaan ang mga sarili,

Dahil kailangan pa kayo ng susunod na henerasyon,

Kailangan pa nila ng tulad niyo,

Muli kaming nagpapasalamat,

Dahil sa inyo kaya kami naririto,

Kung wala kayo,

Wala kaming mapupuntahan,

Wala kaming mapapatunayan,

Wala kaming kinabukasan.

Kaya maraming salamat po,

Mga minamahal naming mga guro.

Spoken words poetry-tagalogUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum