Pagsusumamo

2 0 0
                                    

Pagsusumamo
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

P'wede pa ba?
P'wede pa ba nating subukan ulit?
P'wede pa ba na maging ako na lang ulit kahit na masakit?
Ayos lang na maging panakip-butas,
Ayos lang na maging pangalawa,
Ayos lang na makita mo ako kapag wala siya,
Ayos lang,
Bumalik ka lang,
Huwag mo lang akong iwan na nag-iisa,
Hayaan mo lang ako na makasama ka,
At muli nating bigyan ng pagkakataon,
Ang pagmamahalan natin na napaglipasan na ng panahon.

Subukan ulit natin,
Baka p'wede pa,
Baka ako pa rin,
Baka p'wede pa nating ipilit?
Baka magbago ang isip mo,
Baka sakaling mahalin mo ako,
Hindi ako nawawalan ng pag-asa,
Patuloy akong magdarasal sa mga tala,
Para lang muli kang makasama,
Dahil hindi ko kayang tanggapin,
Huwag mo sanang masamain,
Pero mahal, hindi ako kumbinsido,
Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinabi mo,
Alam kong may mas malalim na dahilan,
Kung bakit mo ako piniling iwanan.

Hindi ako ang nagkulang,
Minahal kita nang buo,
Hindi kita niloko,
Naging totoo ako,
Mahal na mahal kita,
Palagi akong nandito,
Isang tawag mo lang ay dumarating ako,
Ganiyan ka kalakas sa akin,
Kahit na abala ay nagbibigay ako ng oras,
Pero bakit mas pinili mong umiwas?
Bakit iba ang pinili mo?
Bakit hindi ako?
May kulang ba sa akin, at sa iba mo nahanap?
May mali o kulang ba?
O sadyang hindi mo lang ako makita?

Ayoko nang maging kaibigan lang,
P'wede mo akong maging sandalan,
Kaya sana subukan natin ulit,
Bigyan ng isa pang pagkakataon,
Pinagsamahan natin ay huwag mong itapon,
P'wede pa to,
P'wede pa,
P'wede pa,
Pero kung ayaw mo na talaga,
Ano pa nga bang magagawa ko?
Kahit gaano kita kagusto,
Hindi pa ako nasisiraan ng bait para habulin ka,
Kahit mahirap,
Pipipitin kong tumigil,
Masakit, pero kailangan kong tanggapin,
Pero hangga't hindi mo sa akin sinasabi ang tunay na rason,
Patuloy akong aasa at maghihintay ng pagkakataon,
Aasa ako,
Kahit na gaano katagal,
Hihintayin kita,
Patuloy akong magsusumamo,
Hanggang sa sabihin mo,
Na hindi na ako.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now