Pagmamahal na walang pinipili

26 0 0
                                    

PAGMAMAHAL NA WALANG PINIPILI
written and perform by Gril18

Samu't saring sigawan,

Boses na walang kapaguran,

Pagtatalo na hindi nadadaan sa kalmadong usapan,

Hindi marunong makinig,

Inuuna ang bibig,

Sa halip na pigilan ang namumuong ritmo sa dibdib,

Bata man o matanda ay walang respeto,

Magmumura kahit kailan gusto,

Ganyan ang mundong ginagalawan ko,

Masyadong magulo,

Ang mga tao ay hindi kayang maging kalmado,

Sakitan, hampasan, o kahit magpatayan,

Wala silang pakialam,

Dahil normal ang mga ganitong senaryo,

Ilang libong taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago,

Ano pa bang aasahan ko?

Eh, isa ako sa kanila,

Isang demonyo, na may mahabang sungay,

Gripo-gripong dugo na ang dumaloy sa aking kamay,

Ilang bala na rin ang pumutok sa baril ko,

Maraming demonyo na ang napatay ko,

Pero, hindi ako kailan man pumatay o nanakit ng isang inosente,

Wala ito sa aking prinsipyo,

Dahil dati rin akong inosente,

Na walang kamuwang-muwang na kinakawawa dito sa mundo,

Walang awa nilang pinatay ang mga mahal ko sa buhay,

Na siyang gumising sa dugo ko at nagsimulang pumatay,

Iminulat nila ako kung paano makipagsabayan sa mundong ito,

Maging isang demonyo, at makakaligtas ka,

O maging isang inosente, at mamamatay ka,

Pero 'yon ay noon,

Nagbago bigla ang nakagisnan kong mundo,

Tila nagkaroon ng isang maliit na kinang ng liwanag,

Na sinabi nilang pag-asa,

Sandali,

Pag-asa?

May lugar pa ba ito sa aming mga halang ang bituka?

Magagawa ba nitong baguhin ang isang demonyong katulad ko?

Niloloko ko lang ang sarili ko,

Hindi na ako kailan man mababago,

Ganito na ako hanggang sa mamatay ako,

Nakakatawa, dahil kinain ko rin ang mga salitang binitawan ko,

May isang tao na naniwalang kaya ko,

Dinala niya ako sa simbahan na sìyang akala kong tutupok sa akin hanggang mamatay pero hindi naman nangyari,

Pinakilala niya sa akin ang diyos na hindi ko inakalang totoo,

Hindi ako kaagad naniwala,

Oo, pinilit kong lumayo,

Walang diyos na makakapagpabago sa tulad kong demonyo,

Pero muli, may isa na namang nagdala sa akin sa simbahan,

Palagi niya akong sinasamahan sa mga gawain na noong una ay hindi ko maintindihan kung para saan,

Paunti-unti, nakaramdam ako nang pagbabago,

Ang dating walang pakialaman ay nagkaroon ng pakiramdam,

Ang dating isang demonyo ay tila ba nawalan ng sungay,

Nag-iba bigla ang pananaw ko sa buhay,

May pag-asa pa pala sa isang tulad ko,

May pag-asa pa sa walang kasiguraduhang mundo,

Dahil walang pinipili ang diyos,

Hindi niya tinitignan ang dating buhay mo,

Hindi ka niya hinuhusgahan,

Hindi ka niya pinagtatawanan,

Mahal ka niya,

Oo, wala itong pinipili,

Kahit anong estado mo,

Hindi ka man nakapag-aral o edukado,

O kahit isa kang demonyo,

Minamahal ka niya nang buo,

Muli,

Ako ang dating demonyo na walang awa kung pumatay,

Pero nabago sa pagmamahal ng diyos,

Na walang katumbas,

Walang kapantay,

Karapat-dapat na papurihan habang buhay.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon