Hindi Ako

23 1 0
                                    

Hindi Ako
Written by: Gril18

Nakatingin sa malawak na kalangitan,
Hindi ko maintindihan pero para ba akong lumuluha kahit hindi naman,
Sumisikip ang dibdib ko,
Para bang winawasak ang puso ko,
Habang pinagmamasdan kayo,
Masaya ka,
Nakatawa habang kasama siya,
Habang ako,
Heto sa isang tabi,
Umaasa,
Na sana ako yung katabi mo,
Na sana ako yung dahilan ng mga ngiti mo,
Pero hindi,
Malabo ito,
Hindi ko makitaan nang pag-asa,
Hindi sapat yung sabihin na mahal kita,
Kahit gustong-gusto kitang hawakan ay hindi pwede,
Wala akong karapatan,
Mahal, nanliliit ako,
Pinapamukha mo sa akin na hindi dapat na maging tayo,
Kahit na hindi pa man nagsisimula yung ating kuwento,
Oo, hindi na ako tatanggi,
Nasasaktan ako,
Para bang may sampung kutsilyo na nakatarak dito sa puso ko,
Nagdurugo ito,
Nawawasak ito,
Pero wala akong magawa,
Tinatanaw lang kita sa malayo,
Hindi ako makalapit,
Kasi mahal, sobrang sakit,
Masaya ka,
Abot tainga ang mga ngiti mo,
Pero hindi ako ang dahilan,
Isa lang akong kaibigan,
Na naglakas loob umamin ng nararamdaman,
Pero wala,
Walang nangyari,
Walang nagbago,
Heto pa rin ako,
Umaasa na maging tayo,
Kahit suntok sa buwan,
Kahit malabo mo akong magustuhan
Pero nakakatawa lang,
Kasi hindi pa ako sumusugal talo na kaagad,
Handa akong lumaban,
Pero kapalaran na mismo ang gumagawa ng paraan,
Para sumuko ako,
Para itigil ko na ang kahibangan na ito,
Dahil wala itong ibang patutunguhan,
Wala na akong ibang magagawa,
Hindi mo ako kayang tignan sa mga mata,
Hindi ka sumagot noong sinabi kong mahal kita,
Kasi, masama ka sa presensya ng iba,
Masaya ka sa kaibigan ko,
Kaya mahal,
Mananahimik na lang ako,
Oo mananatili ako rito sa malayo,
Tatanawin pa rin kita,
Kahit masakit na makita kang masaya sa iba ay tatanawin pa rin kita,
Kaya kong magpanggap,
Kaya kong ngumiti,
Kaya kong maging masaya,
Kaya ko,
Mahal kaya ko,
Kahit ang mahal mo ay hindi ako.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now