Panaghoy

2 0 0
                                    

Panaghoy
Isinulat at Binosesan ni: Mark Cyril Tombado

Kumusta ka mahal ko?
Miss na miss na kita,
Mahal na mahal kita,
Gustong-gusto ko nang hagkang muli iyang mga labi mo,
Gusto na ulit kitang mahawakan,
Gusto kong maramdaman ang init ng iyong hininga,
Gusto kitang muling mabasa,
Muling mapunasan ang mga pawis mo,
Muli makita ang tamis ng mga ngiti mo,
Paano ba?
Paano ba yung dapat kong gawin?
Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas,
Hindi ko alam kung paano haharapin ang panibagong bukas,
Sobrang sakit ng nararamdaman ko,
Hindi ako makahinga,
Nawawalan na ako ng gana,
Bakit ba kailangan na mangyari sa atin ang lahat ng ito?
Mahal na mahal kita,
Nagmamahalan tayong dalawa,
Ikaw at ako laban sa mundo,
Pero bakit iniwan mo ako?
Bakit ka bumitaw?
Handa naman akong pagsilbihan ka,
Handa akong maghintay,
Handa akong magsakrispiyo,
Handa akong ilaan ang oras ko para sayo,
Pero bakit ka huminto?
Bakit ka tumigil?
Hindi mo na ba kaya?
Pasensya na,
Wala akong intensyon na sisihin ka,
Naiinis lang ako,
Dahil wala akong ibang nagawa para bigyang-lunas 'yang sakit mo,
Wala akong ibang nagawa,
Kung hindi ang tumunganga,
Pagmasdan kung paanong pilit ka nilang isinasalba,
Habang nakatingin ako sa salamin,
At taimtim na nananalangin,
Na huwag kang kunin sa akin,
Pero tila ang kapalaran mo ay naguhit na,
Kahit lumuha pa ako ng dugo ay hindi na mababago pa,
Itinakda na ang iyong maagang kamatayan,
At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan,
Ang hirap,
Parang akong natatanga,
Umiiyak nang nag-iisa,
Sobrang sakit,
Hindi ko na namamalayan ang oras,
Limang buwan na pala ang lumipas,
Pero sariwa pa rin sa akin ang lahat,
Parang kahapon lang nangyari,
Parang kahapon lang,
Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit,
Tandang-tanda ko pa,
Kung paanong tumigil ang makina na nagbibigay sa iyo ng hininga,
Ang unti-unting paghinto ng tunog,
Na para bang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig,
Nakakabaliw,
Nakakasira ng ulo,
Na para bang sinasaksak ang puso ko,
Ang hirap,
Hindi ko pa rin alam ang gagawin,
Wala na akong ibang tanging mahihiling,
Kung hindi muli kang makapiling,
Muling magkaroon ng pagkakataon,
Na makasama ka sa isang buong maghapon,
At bubuo tayo ng mga masasayang alaala,
Na dadalhin ko sa reyalidad kung saan ay wala ka na,
Mahal na mahal kita,
Mahal na mahal,

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now