Saan ba ako nagkulang?

6 0 0
                                    

Saan ba ako nagkulang?
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Binitawan ko ang mga pangako mo,
Pinilit kong tumayo,
Mula sa pagkakadapa ko,
Pinilit ko,
Hindi dahil sa natauhan,
Nawalan ng ibang pamimilian,
O nawalan ng pag-asang lumaban,
Pero bumitaw ako,
Dahil ito ang gusto mo,
Iniwan mo ako,
Pinutol ang salitang tayo,
Kinalimutan at hinayaan na ang mga alaala natin ay maging abo,
At hindi ko alam kung paano ako nakabangon,
Sa pagkakalugmok sa masalimuot na kahapon,
Natatandaan ko pa,
Kung ilang beses kong tinitingnan sa cellphone yung pictures nating dalawa,
Nakangiti at punong-puno ng pagmamahal,
Saan ba ako nagkulang?
Madalas kang sumasagi sa isip ko tuwing alasdiyes,
Namumugtong mga mata dahil nangungulila ako sa iyo nang labis,
Miss na miss na kita,
Ilang buwan din akong umasa na may tayo pa,
Kumapit ako na maayos,
Naniwala na pagmamahal ay hindi mauubos,
Naniwala ako,
Kumapit ako,
Pero saan ako nagkulang?
Bakit mas pinili mong iwanan?
'Yan ang mga salitang siguradong itatanong ko,
Hahanapan ng kasagutan sa sistema nating magulo,
Magmamakaawa sa atensyon mo,
Dahil nabulag ako,
Naubos ako,
Binigay ko ang lahat sa iyo,
Naniwala ako sa malafairy tale na kuwento,
Na ako ang prinsipe at ikaw ang prinsesang pinakamamahal ko,
Titira tayo sa isang malaking kastilyo,
Kung saan ikaw at ako ang mamumuno,
Napakaperketong plano,
Ang sarap isipin,
Ang sarap pangarapin,
Wala nang ibang mahihiling,
Pero saan ako nagkulang?
Bakit ang perpektong plano ay sinayang mo?
Bakit sa halip na ayusin ay humanap ka ng bago?
Akala ko ba ako ang pahinga?
Pero bakit sa ibang tao ka sumama?
Saan ako nagkulang?
Bakit mo ako pinagmukhang manloloko?
Bakit siniraan sa ibang tao?
Bakit ako?
Ano bang naging kasalanan ko?
Kailan naging mali ang magmahal nang buo?
Kailan naging masama ang maging totoo?
Kaya uulitin ko,
Saan ba ako nagkulang?

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now