KAGITINGANG GUGUNITAIN

9 1 0
                                    

KAGITINGAN GUGUNITAIN
Sulat ni: Gril18

Ang inaasam na kapayaan ay maraming pinagdaanan bago makuha,
Kagila-gilalas na kagitingan ang kanilang ipinakita,
Dugo't pawis ang naging puhunan,
Hindi naging madali ngunit patuloy na nanindigan.

Halina't magkaisa,
Ating lahi at lipi ay ibandera,
Alalahanin ang naging paglaban para makuha ang pinapangarap na soberanya,
Kaya't kapayaan sa bansa ay matagumpay nating natatamasa.

Hindi naging madali ang lahat,
Napakaraming pinagdaanan ng ating watawat,
Kaya't ang istorya ay huwag nating hayaang manatili na lang sa mga aklat,
Ipagmalaki at isabuhay ang kagitingan sa lahat.

Marami ang nasaktan sa naging laban,
Mga mahal sa buhay ay hindi nagawang protektahan,
Ngunit sila ay hindi nagdalawang-isip na ipaglaban ang ating bayan,
Kaya't nararapat lang na bigyang-pugay ang kanilang kagitingan.

Lagi sana natin itong gunitain,
Isapuso, isabuhay, at ating mahalin,
Ang kanilang ginawang sakripisyo ay bigyang-pansin,
Dahil ang pagkakaroon ng kapayaan ang noon pa nilang nais kamtin.

Spoken words poetry-tagalogWhere stories live. Discover now