PINAGPALIT SA MALAPIT

1K 34 0
                                    

Pinagpalit sa malapit

By: Gray

Isa,

Isasantabi ko muna ang sakit na nadarama,

Alang-alang sa dalawang taong pagsasama nating dalawa.

Kahit,

Na tatlong ulit,

Mo akong pinagmukhang dehado sa harap ng maraming tao,

Ikaw pa rin ang dahilan ng pagtibok sa apat na sulok ng aking puso.

Dahil ikalima pa lang ng umaga,

Mukha mo na agad ang aking nakikita.

Kabisado ko na nga ang iyong pigura,

Sa araw-araw ba naman nating pagsasama.

Kulitan,

Harutan,

Tawanan,

Takbuhan mo ako kapag nangangailangan,

Kailangan kapag nasasaktan.

Dakilang tagapayo,

Sa puso mong niloko.

'Yon ay noon,

Iba na ang sistema natin ngayon,

Ako na 'yung nasasaktan,

Ngunit ang kaibahan,

Ikaw ang dahilan.

Nagkulang ba ako?

Hindi ba sapat 'yung oras na magkasama tayo?

Kaydali naman akong ipagpalit sa bago mo,

Ay mali,

Sa bestfriend ko.

Dahil lang sa magkalayong agwat,

Hindi ako naging sapat.

Kasalanan ko bang mahirap ako?

Kasalanan ko bang hindi ko kayang bilhin 'yang mga luho mo?

Wala akong mga materyal na bagay,

Puso ko lang ang kayang iaalay,

Mahirap ako,

Mayaman ka.

Sa sobrang taas ng pangarap kong abutin ka,

Para akong namimingwit ng isda gamit ang barya,

Imposibleng makuha ka,

Imposibleng maabot ka,

Parang pilipinas at europa na sobrang layo sa isa't isa,

Tubig at langis na kailanman ay hindi nagsama.

Sobrang taas mo,

Magkaiba ang ating estado,

Mapaglarong mundo.

Pasensya,

Ayoko na,

Ayokong magmukhang tanga,

Kasi lumalaban pa ko ngunit sumusuko ka na,

Minamahal pa kita ngunit humanap ka na ng iba.

Pinilit kitang abutin,

Habulin,

Intindihin,

Walang sawang mahalin.

Subalit sobrang bilis mo,

Hindi ko namalayan ang bawat segundo,

Nakita kita paliko sa may pasilyo,

At pagdating sa may dulo,

Isang matamis na halik ang bumungad sa harap ko,

Mga labi niyong nagtagpo,

Bigla akong nanlumo.

Ganito pala kasakit,

Na ipagpalit sa malapit.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon